Kaso ng Dengue sa Bulacan, bumaba ng 20%
- Published on July 6, 2021
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagtala ang Provincial Health Office – Public Health ng 1,395 na mga suspected Dengue cases mula Enero 1 hanggang Mayo 29, 2021 na mas mababa ng 20 porsyento kumpara sa 1,734 na kasong naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Nasa edad isa hanggang 100 ang apektadong populasyon kung saan mga edad 11-20 ang pinakamaraming kaso at tatlo ang namatay na may kinalaman sa Dengue.
Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando ng Bulacan na maituturing na tagumpay ang nasabing datos dahil hindi na kakayanin ng lalawigan ang pagdagsa ng mga tao sa ospital habang humaharap ang mundo sa pandemya.
“Dumating na ang tag-ulan, hindi natin dapat ipagwalang bahala ang iba pang mga sakit na banta sa kalusugan ng ating mga kababayan. Kaya patuloy ang ating kampanya at pagbibigay-diin sa pagsunod sa 4S strategy laban sa Dengue,” ani Fernando.
Ang apat na S ay nangangahulugang Suriin at Sirain ang mga pinamumugaran ng lamok sa loob at labas ng bahay, Sarili ay protektahan laban sa lamok, Sumangguni agad sa mga pagamutan o health centers kapag may sintomas ng dengue, Suportahan ang fogging kapag may banta ng outbreak.
Ayon sa World Health Organization, naisasalin ang Dengue sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok na Aedes aegypti at minsan ay Ae. albopictus at ang malalang Dengue ay ang nangungunang sanhi ng pagkakaroon ng malubhang karamdaman at kamatayan sa mga Asyanong bansa at Latin American.
Walang ispesipikong gamot para sa Dengue. Ngunit, kung maagapan ay maiiwasan ang pagkakaroon ng matinding Dengue at ang pagkakaroon ng access sa tamang medikasyon ay nakapagpapababa ng pagkamatay sanhi nito sa isang porsiyento.
Nasa kalahati ng populasyon ng mundo ang nasa panganib kung saan tinatayang 100 – 400 na milyon ang naiimpeksyon kada taon.
Samantala, lagnat ang pinaka nakikitang sintomas ng Dengue na may kasamang alinman sa pananakit ng mata, kalamnan o buto, pagsusuka at pamamantal na karaniwang tumatagal ng dalawa hanggang pitong araw. Bumisita sa mga health centre o magpakonsulta sa doktor kung ang lagnat ay dalawang araw o higit na. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
OVP naglunsad ng libreng job platform para sa mga unemployed dahil sa pandemic
Dahil sa epektong idinulot ng COVID-19 pandemic sa sektor ng manggagawa, naglunsad ang Office of the Vice President (OVP) ng libreng online platform para sa mga naghahanap ng bagong hanapbuhay at oportunidad. Target ng BAYANIHANAPBUHAY initiative na tulungan ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho mula nang pumutok ang krisis ng coronavirus sa bansa. […]
-
EXTENDED MECQ status sa NCR Plus hanggang Mayo 14.
Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk To The People, Miyerkules ng gabi ang ekstensyon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) classification sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite simula Mayo 1 hanggang Mayo 14, 2021. Ang Lungsod ng Santiago at Quirino Province sa Region 2 at Abra sa […]
-
Hiring ng mga aplikanteng bakunado laban sa COVID-19, hindi diskriminasyon-Galvez
“Public interest is higher than personal interest,” Ito ang naging pahayag ni vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa nagsasabing isang malinaw na diskriminasyon ang pagtanggi ng mga kumpanya sa mga aplikante na hindi pa bakunado laban sa Covid- 19. Ipinanukala kasi ng pribadong […]