• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KASO NG DENGUE SA MAYNILA, MANAGEABLE PA

HINDI pa  nakakaalarma at “manageable” pa ang mga kaso ng dengue sa lungsod ng Maynila.

 

 

Ito ang pahayag ni Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Head Arnel Angeles  kasabay ng isinagawang fogging at misting operations sa Maynila ngayong araw, Biyernes.

 

 

Partikular sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, na may naka-confine na ilang pasyente dahil sa dengue.

 

 

Tiniyak din ni Angeles  ang patuloy na anti-dengue operations ng MDRRMO katuwang ang Manila Health Department upang hindi na tumaas pa ang mga kaso ng dengue sa lungsod.

 

 

Layon nito na maiwasan na lumaganap ang dengue sa mga kalapit barangay ng mga barangay na may mataas na dengue cases.

 

 

Sa katunayan, sinabi ni Angeles na nagsasagawa sila ng daily fogging  at misting operations.

 

 

Habang ang ilang Barangay naman aniya ay kusa nang nagpa-fogging at misting operations at iba pang mga hakbang kontra-dengue gaya ng paglilinis ng kapaligiran.

 

 

Batay sa pinakahuling bilang ng MHD, hindi bababa sa 200 ang mga kumpirmadong kaso ng dengue sa Maynila mula noong Jan. 2022 hanggang June 25. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ginebra nakuryente sa Meralco

    PINALAKAS ng Meralco ang kanilang pag-asa sa quarterfinals matapos basagin ang Barangay Ginebra, 90-73, sa 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.     Kumolekta si Chris Newsome ng 18 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa 5-3 record ng Bolts tampok ang dalawang sunod na panalo.     Nag-ambag […]

  • 10-15% na pagtaas sa presyo ng mga gulay sa Merkado, dahil umano sa pagbaba ng suplay sa mga lugar na tinamaan ng bagyo-DA

    KINUMPIRMA ng Department of Agriculture ang 10-15 percent na pagtaas sa presyo ng mga gulay sa Merkado.     Ayon sa kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa , ito ay dahil sa pagbaba ng supply nito sa mga lugar na labis na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo partikular na ang bagyong Kristine.     […]

  • Irving pinayagan ng makabalik sa paglalaro

    Inanunsiyo ng NBA na natapos na ang suspensiyon ni Brooklyn Nets star Kyrie Irving.   Kasunod ito sa social media posting ni Irving na may kaugnayan sa anti-semitic materials.   Dahil dito ay sinabi ng Nets na makakasama na nila si Irving sa paglalaro laban sa Memphis Grizzles.   Matapos ang pahingi ng paumanhin ni […]