• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso ng pertussis, tigdas lumobo – DOH

HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna matapos ang biglang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng pertussis o ubong dalahit at measles o tigdas sa bansa.

 

 

Sa datos ng DOH, sa unang 10-linggo ng nakalipas na mga taon ay mababa lamang ang naitatalang mga kaso ng pertussis.

 

 

Nasa 52 noong 2019 at 27 noong 2020.

 

 

Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2021, pitong kaso lang habang dalawa noong 2022.

 

 

Sa unang taon matapos alisin ang pandemic restrictions nitong 2023, nakapagtala ng 23 pertussis cases, sa kaparehong panahon.

 

 

Gayunman, sa unang 10-linggo ng 2024 ay biglang tumaas ang kaso sa 453.

 

 

Samantala, hanggang noong Pebrero 24, 2024 naman, nakapagtala ang DOH ng kabuuang 569 measles at rubella cases sa bansa.

 

 

Ayon sa DOH, ang disruptions sa routine immunization at primary care noong panahon ng pan­demya ang nakikita nilang pangunahing dahilan nito.

 

 

Ang Pertussis, na kilala rin sa tawag na whooping cough ay isang highly contagious bacterial respiratory infection na nagdudulot ng influenza-like symptoms ng mild fever, sipon at ubo na tumatagal ng pito hanggang 10-araw matapos ang exposure.

 

 

Ang Pertussis ay maaaring gamutin ng antibiotics ngunit pinakamahusay pa rin ang bakuna upang ito’y maiwasan.

 

 

Samantala, ang Measles naman o tigdas, ay highly contagious din at madaling maihawa ng mga infected indivi­duals sa pamamagitan ng hangin, partikular na sa pag-ubo at pagbahing.

 

 

Kabilang sa mga sintomas nito ay mataas na lagnat, ubo, runny nose, at body rash.

 

 

Wala umanong ­ispesipikong lunas sa virus na nagdudulot ng measles ngunit ang bakuna ang pinakamabisang proteksiyon dito. (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 31, 2024

  • Paggamit ng face shield iminungkahi ni Duterte na ibalik vs Omicron variant

    Muling iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusuot ng face shield bukod sa pa sa face mask dahil sa banta ng Omicron coronavirus variant.     Sa kaniyang “talk to the people” nitong Martes ng gabi, sinabi ng pangulo na kahit na binabatikos at pinagtatawanan ng ibang bansa ang paggamit ng face shield sa mga […]

  • LALAKI, PATAY SA SUNOG SA PORT AREA

    PATAY  ang isang 40-anyos na lalaki sa isang malaking sunog na naganap sa Port Area na umabot sa limang oras .     Sa pinakahuling update ng Bureau of Fire Protection (BFP)  Huwebes ng tanghali natagpuan ang bangkay ng biktimang nakilalang si Ricky Sebastian, sa mga kabahayang nilamon ng apoy na hinihinalang na-trap sa loob. […]