• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasong murder, inihahanda na!

TUKOY  na ng mga awtoridad ang ‘utak’ sa naganap na pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.

 

 

Kasabay naman nito, inihahanda na rin ng pamilya Mabasa sa pag­hahain ng kasong murder sa ‘utak’ at iba pang dawit sa pagpaslang kay Lapid. Posibleng itong maisampa bukas, araw ng Biyernes o sa Lunes.

 

 

Kinumpirma ni Roy Mabasa, kapatid ng pinaslang na radio broadcaster, na may magandang development sa takbo ng imbestigasyon ng Department of Justice at National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagpatay sa kanyang kuya.

 

 

Gayunman, tumanggi itong magbigay ng pangalan ng mga posibleng masampahan ng kaso.

 

 

“Sa palagay ko nalalapit na tayo roon sapagkat sa aming pag-uusap kanina, meron nang tinutumbok subalit I’m not at liberty to say to you kung ano ang mga pangalan at pagkakakilanlan. Hahayaan po natin ang DOJ na tapusin ang kanilang trabaho, kasama ang NBI at PNP at magkakaroon yata ng announcement in the next 1, 2, 3 days,” ayon pa kay Roy.

 

 

Malaking tulong aniya sa development ng kaso ang autopsy findings sa ginawang re-autopsy ni pathologist Dr. Raquel Fortun sa labi ng namatay na sinasabing middleman na si Jun Villamor.

 

 

Sa nasabing findings kasi lumalabas na pinatay si Villamor at hindi natural causes taliwas sa naunang report ng mga awtoridad na  sakit sa puso ang posibleng dahilan ng kanyang kamatayan.

 

 

Nilinaw din ni Mabasa na patuloy na nakakatanggap ng death threat ang isa sa mga anak na lalaki ni Lapid.

 

 

Kahapon nagtungo sa DOJ si Mabasa para sa case conference kina Justice Secretary ­Crispin Remulla at NBI Director Medardo de Lemos. (Daris Jose)

Other News
  • PPC, PHILSPADA handa sa Summer Paralympic Games

    PATULOY ang mga agam-agam para sa ikalawang pag-urong ng petsa o tuluyang makansela na lang ang 16th Summer Paralympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa parating na Agosto 24-Setyembre 5 sa Tokyo, Japan sanhi ng pandemya.     May kaba man, walang puknat sa preparasyon ng Philippine Paralympic Committee (PPC) para sa nalalapit […]

  • Happy na muling makatrabaho si Jo Berry: NORA, hinay-hinay na sa pagtanggap ng movie dahil sa health

    TUMANGGAP si Superstar Nora Aunor ng parangal bilang Filipino National Artist sa World Class Excellence Japan Awards.       Personal na tinanggap ni Ate Guy ang award na ginanap sa isang five-star hotel sa Pasay City.       “Pangalawa na ‘to, e, na binigay na award sa akin kaya lang ‘yung una, sa […]

  • Ads August 2, 2022