Kasuhan n’yo ko! – Sara
- Published on February 3, 2024
- by @peoplesbalita
HINAMON ni Vice President Sara Duterte ang mga taong nasa likod ni retired SPO4 Arturo Lascanas na sampahan siya ng kasong murder sa korte ng Pilipinas kung totoo ang inaakusa nila na sangkot siya sa Davao Death Squad (DDS).
“Ayon sa isang nagpakilalang testigo, may kinalaman umano ako sa Oplan Tokhang, sa Davao Death Squad, at sa mga insidente ng pagpatay o extrajudicial killings sa Davao,” ayon sa opisyal na pahayag ni Duterte.
“Bago ang script na ito,” giit niya.
Sinabi ni Duterte na sa mahabang taon ng pagsisilbi niya bilang Vice Mayor at Mayor ng Davao City ay hindi kailanman naiugnay ang pangalan niya sa isyu ng DDS, Oplan Tokhang, at mga “extra-judicial killings (EJKs)”.
Bigla-bigla na lamang umanong nagkaroon ng testigo laban sa kaniya nang mahalal siya bilang Bise Presidente at ikinamamangha rin niya na kasama na siya sa mga akusado sa International Criminal Court (ICC).
“Wala na itong debate, sa testigo at mga tao na nakapalikod sa kanya mag-file kayo ng kasong murder laban sa akin dito sa Pilipinas,” hamon ni Duterte.
Halata umano ang tiyempo at sinasadyang ipilit na maidugtong lang ang pangalan niya sa kaso. Muli rin niyang kinastigo ang ICC na nagpupumilit umanong pakialaman ang sistema ng hudikatura ng bansa at isa nang panghihimasok sa soberenya.
Nitong Miyerkules, inihayag ni Lascanas na si Sara umano ang nakabuo ng trademark na “Oplan Tokhang” na ipinag-uutos niya kay dating PNP chief, Ronald Dela Rosa nung siya pa ang hepe ng pulisya ng Davao City.
“Hindi lang niya (Sara) alam ‘yung ginagawa ng kanyang tatay na bogus drug war. Nag-imbento talaga siya ng bagong trademark na extrajudicial killings in the name of tokhang,” saad ni Lascanas sa isang video press conference. (Daris Jose)
-
Balitang pinaghahandaan na ng GMA ang kanilang serye: JOHN LLOYD, nagbiro na matagal nang naka-stand by para sa project nila ni BEA
NAKATUTUWA si John Lloyd Cruz nang ma-interview siya sa Chika Minute ng ’24 Oras’ na nanawagan sa dating ka-loveteam na si Bea Alonzo. “Ang tagal ko na pong naka-stand by Miss Bea. Waiting lang po ako, anytime po on your cue,” biro pa ni JLC. Actually, may nagkuwento sa amin na pareho […]
-
Crackdown sa ‘anti-colorum campaign’, tagumpay – DOTr
INANUNSYO ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr) na matagumpay ang isinagawa nilang crackdown laban sa mga illegal na sasakyan alinsunod sa kanilang anti-colorum campaign. Ayon sa DOTr, sa loob lamang ng isang linggo, o mula sa Disyembre 1 hanggang Disyembre 9, 2023, nakaaresto ang SAICT […]
-
SUPORTA SA UNITEAM DUMAGUNDONG SA ‘TIGER CITY’
NAG-UUMAPAW ang suportang binigay ng mga Mandalenyo kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nang magsagawa ito ng proclamation rally sa kilalang bansag na ‘Tiger City” o sa Lungsod ng Mandaluyong. Tanghali pa lang ay nakapuwesto na ang libo-libong mga supporters ng BBM-Sara UniTeam, samantalang alas singko ng hapon ‘saktong nagsimula ang programa […]