• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasunduan sa pagitan ng Pinas at China, makalilikha ng mas maraming IT-based jobs para sa mga Pinoy

UMAASA ang  top diplomat ng Pilipinas sa  China na ang kamakailan lamang na bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping ay makalilikha ng mas maraming job opportunities para sa mga  Filipino customer service providers.

 

 

Sa pamamagitan ng nilagdaang kasunduan na naglalayong payagan ang mga Filipino na makakuha ng  “technology at technological knowledge” mula sa  China, inaasahan ni Ambassador Jaime FlorCruz na ang mga Chinese companies ay magsisimulang mag-hire o tumanggap ng mga Filipino bilang kanilang backbone para sa customer support.

 

 

“Call center po halimbawa. Marami pong Chinese companies, IT companies na nagre-rely, na kailangan ng customer service,” ayon kay  FlorCruz sa Laging Handa public briefing.

 

 

“Pero mahina po ang kanilang English staff, halimbawa. So, pwede po tayo doong makapasok, na magkaroon ng agreement with Chinese IT companies para Pilipino ang magiging backbone nila ng call center,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang IT industry ay nag-iisang industriya na pinalakas sa  three-day state visit ni Pangulong Marcos sa  China.  Kabilang sa iba pang industriya ay ang agrikultura at imprastraktura, kung saan mas maraming oportunidad ang inaasahan na malilikha  para sa mga Filipino.

 

 

Samantala, sinabi ni FlorCruz na isusulong naman ng   Philippine Embassy  sa China ang  people-to-people exchanges sa pagitan ng dalawang bansa ngayong taon.

 

 

Sisimulan ng embahada ang mga  programa na makapanghihikayat sa mga  Filipino na matutunan ang Chinese science, arts, at language, “considering that the Asian neighbor has had many breakthroughs in such fields.” (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 24, 2023

  • Dahil sa maling report tungkol kina Vice at Marian: GRETCHEN, pinuri ng mga netizens sa pag-issue ng public apology

    PINUPURI ngayon ng mga netizens si Gretchen Ho dahil sa pag-issue niya ng public apology sa maling report ng “Frontline sa Umaga” ng TV5 kunsaan, siya ang newscaster kina Vice Ganda at Marian Rivera.   Bukod sa dinilete ng TV5 ang tweet nila tungkol dito na talagang nireakan ni Vice Ganda, nag-tweet pa ng personal […]

  • Catch the ‘Kilig’ Moments of the New Love Team of Paulo Avelino and Janine Gutierrez in ‘Ngayon Kaya’

    FOLLOWING the beloved cinema tradition of onscreen pairings, a new love team is born in the tandem of Paulo Avelino and Janine Gutierrez who are starring in their first film together entitled Ngayon Kaya.     In this movie directed by Prime Cruz and written by Jen Chuaunsu (the creative duo behind romantic masterpieces Isa […]