Katahimikan ng PSC sa banta sa kanyang buhay, nagpahina sa aking seguridad- VP Sara
- Published on November 27, 2024
- by @peoplesbalita
KINUWESTIYON ni Vice President Sara Duterte ang “katahimikan ” ng Presidential Security Command (PSC) sa death threats laban sa kanya, sa kanyang pamilya, at Office of the Vice President (OVP) personnel na di umano’y natanggap ng mga Ito.
Sa isang kalatas, inalala ni VP Sara kung paano ang Vice President Security and Protection Group (VPSPG) ay inilipat sa Ilalim ng PSC, at inimpluwensiyahan ng Office of the President (OP), nang magbitiw mula sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo.
Bagama’t hindi dinetalye ang “documented threats” na di umano’y kanyang natanggap, nagpahayag naman ng pagkabahala si VP Sara na pinabayaan ng PSC ang kanyang seguridad-
“Presuming the PSC is still a non-partisan professional organization, why is the command eerily quiet on the documented threats to me, my family and OVP personnel. The silence is then proof that the inclusion of VPSPG in the PSC is clearly to undermine my security and nothing else,” aniya pa rin.
Ang pahayag na ito ni VP Sara ay matapos paigtingin ng PSC ang seguridad ni Pangulong Marcos sa gitna ng banta ng bise-presidente na nag-hire na siya ng assassin para ipatumba ang Chief Executive, Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez kapag siya ay pinatay.
Tinuran pa ng PSC sa isang kalatas noong November 23 na “Any threat to the life of the President and the First Family, regardless of its origin—and especially one made so brazenly in public—is treated with the utmost seriousness.”
“We consider this a matter of national security and shall take all necessary measures to ensure the President’s safety,” dagdag na wika nito.
Kung matatandaan, ang VPSPG ay nilikha noong June 2022 para sa proteksyon ni Sara Duterte matapos na siya at si Marcos ay nanalo noong 2022 polls.
Nilikha ito para sa hiwalay na unit mula sa PSC at naging Armed Forces of the Philippines (AFP) wide support “with a corresponding AFP table of personnel and equipment.”
“A move to distinguish the security of the Vice President and make it independent,”ang sinabi ni VP Sara.
Gayunman, nananatili naman si VP Sara sa ‘hot water’ ukol sa paggamit ng OVP ng confidential funds, na sa ngayon ay hinihimay ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Nang ang kanyang chief-of-staff, na-cite in contempt si OVP Undersecretary Zuleika Lopez, at dinitine matapos ang Nov. 21 hearing para sa kanyang “undue interference,” ang sinabi ni VP Sara sa kanyang Zoom press conference.
Sa nagsabi pa ring press conference, ibinahagi nito ang kanyang naging pakikipag-usap sa isang hitman para itumba ang First Couple at Romualdez kapag may nangyari sa kanya.
Subalit matapos paigtingin ng PSC ang seguridad ni Pangulong Marcos, sinabi ni VP Sara na nakatanggap din siya ng death threats. (Daris Jose)
-
‘Zero casualty’ sa Eleksyon 2025, target ng gobyerno -Remulla
TARGET ng gobyerno na magkaroon ng casualty-free elections sa 2025. Sa katunayan ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla ay inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na trabahuhin ang kaligtasan at seguridad ng mga kandidato at publiko para sa nalalapit na halalan sa bansa. […]
-
Alex Eala sasabak sa unang pagkakataon sa SEA Games
SASABAK na 31st Southeast Asian Games si Filipina tennis sensation Alex Eala. Sinabi ng ama ng 16-anyos na tennis star na si Mike na kabilang ang anak nito sa mahigit na 600 atleta na ipapadala ng bansa sa nasabing torneo sa darating na Mayo sa Hanoi, Vietnam. Naisumite na nito ang […]
-
Filipino-Chinese businesses, umaasa sa state visit ni PBBM sa China; itutulak ang joint exploration talks
KUMPIYANSA ang Filipino-Chinese businesses na ang nalalapit na state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China ay makapagpapalakas sa larangan ng kooperasyon kabilang na ang potensiyal na joint exploration ng mga resources sa West Philippine Sea. Nauna nang sinabi ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) na ang mga […]