Kathryn, pinuri ang SMC sa ginawang pag-rescue sa mga naiwang aso sa Bulacan
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
BILANG isang fur mom ng labing-isang aso, natuwa si Kathryn Bernardo na inaalagaan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga naiwang aso sa bayan ng Bulakan, kung saan itatayo ang Manila International Airport project.
“I’m proud of the San Miguel family for taking care of the dogs that were stranded in Bulacan,” wika ni Bernardo, na maliban sa pagiging endorser ng Nutrichunks dog food at endorser rin ng Magnolia Ice Cream at San Mig Coffee Crema White.
“I’m happy that these dogs were rescued and, hopefully, will be adopted by loving homes. Thank you, San Miguel,” dagdag pa niya.
Matapos malaman ang kalagayan ng 70 aso na naiwan sa Barangay Taliptip ay nagpadala agad ang SMC ng Nutrichunks dog food para mapakain sila.
Sa tulong ng Animal Kingdom Foundation (AKF), may 53 nang aso ang na-rescue simula noong Nobyembre 16 at nailipat sa AKF shelter sa Capas, Tarlac. May natitira pang 20 aso na kailangang i-rescue sa mga susunod na araw.
Ang mga asong dinala sa AKF sa Tarlac ay gagamutin at kakapunin baka sila ihanap ng mga mag-aampon.
Nauna nang pinasalamatan ni Bernardo ang SMC, na pinamumunuan ni president at chief operating officer Ramon S. Ang sa paggawa ng paraan para magkaroon ng hanapbuhay at oportunidad sa pagnenegosyo sa Central Luzon sa pamamagitan ng Manila International Airport at Bulacan Airport City Freeport Zone.
Ayon kay Kathryn ay mahalaga ang hanapbuhay para sa maraming Pilipino dahil pandemyang dulot ng Covid-19.
Maliban sa relokasyon ng mga taga Taliptip mas mas matibay at maayos na bahay ay nagpatraining ang SMC para sa mga gustong magtrabaho sa airport sa ilalim ng livelihood and skills development program sa ilalim ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA). (ROHN ROMULO)
-
Japanese Boxer Naoya Inoue kumuha ng 2 Pinoy sparring mate
KUMUHA ng dalawang Filipino boxer para maging kaniyang sparring mate si Undefeated Japanese world champion Naoya “Monster” Inoue. Ito ay bilang paghahanda sa unification fight niya kay Nonito Donaire Jr sa Hunyo 7, 2022 na gaganapin sa Japan. Ang mga Pinoy boxers na kinuha ni Inoue ay sina Kevin Jake “KJ” […]
-
DOTr, nagpaaalala sa mga transport group ukol sa 20% discount ng mga estudyante
PINAALALAHANAN ng Department of Transportation (DOTr) ang mga public transport sa umiiral na 20% discount, kasabay ng muling pagbabalik eskwela. Ayon sa ahensiya, kailangang bigyan ng transport group ang mga estudyante ng akmang discount dahil isinasaad ito ng batas, partikular na ang Republic Act 1134 o ang Student Fare Discount Act na unang pang inaprubahan […]
-
Walang sektor ang hindi napag-usapan sa PH-US partnership-PBBM
WALANG SEKTOR ang hindi nabanggit sa “partnership” sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Sa katunayan ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pulong kasama ang United States-Philippines Society (USPS), ikinatuwa niya ang makabuluhang progreso na nagawa kapuwa ng Maynila at Washington para mas palakasin ang security alliance. “Yes now, prominent are the […]