• March 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KAUNA-UNAHANG OSPITAL NG OFW, ITINAYO

ITINATAYO  na ang kauna-unahang ospital ng Overseas Filipino Workers (OFW) na magkakaroon ng soft opening nitong Oktubre 1 .

 

 

Ayon kay Labor Usec. Renato Ebarle, pinamamadali na ng DOLE ang pagkumpleto upang sa lalong madaling panahon ay mabubuksan na ang OFW Hospital na itinatayo sa San Fernando, Pampanga makaraang madelay dahil sa patuloy na krisis dala ng COVID-19.

 

 

Aniya, puspusan na ang ginagawang trabaho ng contractor ng naturang ospital kaya naman 15.7% na itong kumpleto.

 

 

Sa huling bahagi ng taon, umaasa ang DOLE na  makukumpleto na ang mga equipment o kagamitan sa pasilidad.

 

 

Sinabi ni Ebarle na kukuha naman ng halos 300 medical personnel ang OFW Hospital, na ang proseso ng hiring ay mag-uumpisa sa ikatlong quarter ng taon.

 

 

Pinondohan ng  P1.5 billion ang OFW Hospital na inisyatibo ni Labor Sec. Silvestre Bello III sa tulong ng Provincial Government ng Pampanga, Department of Health, Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR, at Bloomberry Cultural Foundation.

 

 

Ito ay kauna-unahang pagamutan  para sa mga OFW sa bansa, ay mayroong apat na palapag at magkakaroon ng 100-bed capacity na maaaring magamit ng mga mangangailangang OFWs at kanilang mga pamilya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Monthly contribution ng Pag-IBIG members, planong itaas simula Enero 2024

    PLANONG itaas ng Pag-IBIG Fund ang monthly contribution ng mga miyem­bro nito, pati ng kanilang mga employers, simula sa Enero 2024.     Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, itutuloy ng ahensya ang implementasyon ng pagtaas sa kontribusyon ng mga Pag-IBIG Fund members oras na sang-ayunan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.     […]

  • Sila ang itatapat ng Siyete sa ‘Eat Bulaga’: VICE, tila may pahiwatig na sa posibleng paglipat ng ‘It’s Showtime’

    MULA sa ABS-CBN insider ay nalaman naming on going ang negosasyon sa posibilidad na paglipat ng “It’s Showtime “ sa GMA-7. Kung maging positibo ang pag-uusap ngayon between ng management ng GMA at ng mga big boss ng mga namamahala ng programang “It’s Showtime” ay sa Kapuso channel na ito mapapanood hosted by Vice Ganda, […]

  • Sa direksyon ni Zig Dulay na naghatid ng ‘Firefly’: DENNIS, balik-MMFF din at bibida sa ‘Green Bones’ kasama si SOFIA

    MMFF-bound muli ang GMA Network ngayong taon dahil kasama sa unang batch ng finalists sa Metro Manila Film Festival 2024 ang upcoming film ng GMA Pictures at GMA Public Affairs na “Green Bones.” Isa ang “Green Bones” sa mga inanunsyo nitong July 16 na kasama sa mga magtutunggali sa 50th year ng MMFF.  Pagbibidahan ito […]