Kawatan timbog sa entrapment sa Malabon
- Published on March 12, 2021
- by @peoplesbalita
Nasakote sa ikinasang entrapment operation ng pulisya ang isang 31-anyos na kawatan nang tangkain ipatubos ang ninakaw na mobile phone at relos sa dalawang biktimang kanyang ninakawan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Hindi na nakapalag si Ronald Lamigas, walang hanapbuhay at residente ng Block 37 Lot 17, Phase 2, Area 2, Dagat-Dagatan, Navotas City nang arestuhin siya ng mga tauhan ni P/Capt. Arguillo Zoilo, hepe ng Malabon Police Sub-Station 5 matapos makipag-tipan sa kanyang mga nabiktima dakong alas-7:30 ng gabi sa isang lugar sa North Bay Boulevard South (NBBS) sa Navotas city.
Sa imbestigasyon ni P/SMSgt. Julius Mabasa, pinasok ni Lamigas ang tinutuluyang bahay nina Ronnie Neulid, 25, at Wilfredo Redulme, 59 sa Block 20-B Lot 31, Phase 2 Area 4 Brgy. Longos dakong alas-4 ng madaling araw ng Miyerkules at tinangay ang mahahalagang gamit sa loob ng kanilang bag, kabilang ang mamahaling cellular phone at wrist watch.
Natuklasan ng mga biktima ang pagnanakaw nang magising na sila kaya’t inireport nila ang nangyaring pagnanakaw sa Brgy. Longos.
Dakong alas-3 ng hapon nang makatanggap ng mensahe sa kanyang mumurahing mobile phone si Redulme na hindi tinangay ng suspek at ipinatutubos ang kanyang mamahaling relos, pati na rin ang cellular phone ni Neulid.
Sumang-ayon naman ang dalawa subalit bago sila makipagkita sa suspek sa itinakda nitong lugar sa Navotas city, humingi sila ng tulong kay Capt. Zoilo na siyang nagkasa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at pagkakabawi sa ninakaw na relos at mobile phone (Richard Mesa)
-
DAGDAG KAPAPASIDAD SA SIMBAHAN PARA SA VACCINATION WALANG PINAG-USAPAN
WALA umanong napapag-uasapan kung may kahilingan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na dagdagaan ang kapasidad ng mga simbahan para sa vaccination program ng pamahalaan. Ayon kay Manila Vice Mayor Honey Laguna-Pangan sa ginanap na virtual forum ng Department of Heatlh (DOH) , ang napag-uasapan lamang aniya ng pamahalaang lungsod ng Maynila […]
-
Peak ng COVID-19, naabot na ng Metro Manila – Duque
NAG-PEAK na o umabot na sa pinakamataas na bilang ang COVID-19 sa Metro Manila makaraan ang patuloy na pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw. “Lumalabas nag-peak na. Nakikita natin na ilang araw nang sunud-sunod na bumababa ang kaso sa NCR at lumiliit ang porsyentong inaambag nito sa ating total caseload,” […]
-
7 pinay na biktima ng human trafficking, nasabat ng immigration
PINIGIL ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino Intrnational Airport (NAIA) ang pito na mga babaeng Pinay na makalabas ng bansa patungong United Arab Emirates dahil sa hinalang mga biktima sila ng human trafficking. Sa ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s travel control and enforcement unit (TCEU) na […]