Kaya binebenta na ang fully-furnished posh condo unit: PIA, sa Dubai na titira kasama ang mister na si JEREMY
- Published on May 20, 2023
- by @peoplesbalita
MINSAN na palang nawala ang magandang tinig ni Manilyn Reynes dahil nagkaroon ito ng nodules o mga bukol sa kanyang lalamunan.
Akala noon ni Mane na katapusan na iyon ng kanyang singing career.
“There was a time na napagod ako and I wanted to walk away or go away. Nagkataon na nagkaroon ako ng nodules before and I thought it was really the end of my singing career. And that is why I wanted to leave. Kasi hindi nga po ako makaka-sing. Talagang naiyak ako noong nalaman ko,” sey ni Mane.
Natuklasan niya ito nang minsan siyang kumanta sa isang jamming session. Wala raw lumalabas na boses niya sa microphone.
“Kakanta ako. It was not even for a concert eh, parang jamming lang. Paghawak ko ng mic, pag-open ko ng bibig ko walang lumabas na voice. Akala ko lang ‘yung mikropono. Wala, wala as in wala. Super-cry ako talaga. Kasi ito ‘yung ginagawa ko eh, ito ‘yung kabuhayan natin. And then wala siya. So paano?”
Noong pinatanggal ni Mane ang mga nodules sa kanyang lalamunan, ilang linggo lang siyang nagpahinga at bumalik na ulit ang singing voice niya.
Kaya sa kanyang mga social media accounts, panay ang kanta ni Mane para ramdam niya na nandiyan pa rin ang boses niya. Weekly naman siyang kumakanta sa ‘All-Out Sundays’ para nakaka-perform siya kasama ang mga bagong artista ngayon.
Pinasikat ni Mane noong ’80s ang mga awiting “Apple Thoughts”, “Somewhere Along The Way”, “Mr. Disco”, “Sayang Na Sayang”, “Feel Na Feel”, at ‘Kung Sino Pang Minamahal”.
***
ISA sa bagong segment sa “The Boobay and Tekla Show” ang phone raid kung saan babasahin ang text messages sa cellphone ng guest sa show.
Si Sofia Pablo, tila hindi ito kinaya nang mapiling basahin ang text na ayaw sana niyang mapili.
Sa nakaraang episode ng “TBATS,” kasama ni Sofia na naging bisita sa show ang kaniyang ka-love team na si Allen Ansay o Team Jolly.
Sa phone raid segment, hahalungkatin ang text messages sa kanilang cellphone batay sa ramdom number na babanggitin ng production staff. Unang isinabak ang cellphone ni Allen, na ang lumabas na text sa binanggit na number ay nagsasaad na: “Ok Po.”
Ayon kay Allen, text iyon sa isang delivey. Sa isa pang text message sa phone ni Allen, “Sino po?.” naman ang nakalagay na galing pala mismo kay Sofia.
Nang isalang na ang cellphone ni Sofia, lumabas sa napiling numero ang text message ng kanyang daddy na nagtatanong ng, “Work for what?”
Ipinaliwanag ng young Kapuso star na kakauwi pa lang niya noon galing sa Singapore at may gagawin pa siyang trabaho.
Sa kalagitnaan ng paghahanda sa muling pagsilip sa kanyang cellphone, binasa ni Sofia ang text messages sa phone niya, at natatawa niyang sinabi na huwag sanang mapili ang number 8.
Pero nang banggitin ng staff ang numero, pinili nila ang number 8 kaya napahiga si Sofia sa sahig na walang tigil sa pagtawa.
***
SA Dubai, UAE na titira si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kasama ang kanyang mister na si Jeremy Jauncey.
Sa Dubai based si Jeremy dahil sa company nito na Beautiful Hotels kunsaan ito ang founder at CEO. Pagkatapos nilang ikasal noong nakaraang March 24 sa Seychelles, sinabi ng actress-beauty queen ay susunod siya sa kanyang husband kunsaan ito nakatira.
Ito rin ang naging dahilan kung bakit binebenta ni Pia ang kanyang fully-furnished posh condominium unit sa Makati City sa halagang P48 million.
Kapag may mga trabaho para kay Pia sa Pilipinas, doon lang daw siya uuwi at kapag natapos na lahat, balik siya ng Dubai.
Pero mukhang magiging busy rin sa Dubai si Pia dahil maraming Filipino designers ang naka-base doon at nakatrabaho na niya ang mga ito, isa na rito ay si Albert Andrada na siyang nag-design ng kanyang famous blue evening gown na sinuot niya noong koronahan siyang Miss Universe sa Las Vegas in 2015.
Na-feature na rin noon si Pia sa virtual Arab Fashion Week noong 2021. Kaya expect natin na magiging abala si Queen Pia sa pag-model ng mga designs ng mga Dubai-based Pinoy designers tulad nila Michael Cinco, Ryan Pacioles, at Furne One.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Jiu Jitsu champion sa Brazil na si Leandro Lo patay matapos barilin
PATAY matapos barilin ang sikat na Jiu Jitsu champion ng Brazil na si Leandro Lo. Ayon sa mga kapulisan ng Sao Paulo, naganap ang pamamaril sa 33-anyos na si Lo sa isang night club sa Saude. Isa umanong off-duty na pulis ang nakabaril sa ulo ng biktima na mabilis na tumakas […]
-
Senior citizens, stay home muna hangga’t hindi pa nababakunahan ang 70% ng populasyon
BINIGYANG LINAW ng Malakanyang na hindi naman pinagbabawalan ang mga senior citizens lalo na’t kung “fully vaccinated” na ang mga ito laban sa covid 19 na lumabas ng kanilang tahanan. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, puwede aniyang lumabas ang mga senior citizens para bumili ng kanilang kinakailangan. At kung kinakailangan aniya na […]
-
Thirdy Ravena handa pa ring maging bahagi ng Gilas Pilipinas
Handa pa ring maging bahagi ng Gilas Pilipinas si Thirdy Ravena anumang oras sakaling tawagan siya ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP). Kasunod ito ng pagpirma nito ng multi-year extension sa San-En NeoPhoenix team ng Japan. Paliwanag pa nito na wala siyang sama ng loob kahit na hindi siya nakasama sa […]