Kaya ‘di na makakasama sa ‘ASAP’ sa Las Vegas: SHARON, inaming tatlo sa pamilya ang nagka-Covid sa Australia
- Published on November 4, 2022
- by @peoplesbalita
ANG dapat o nagsimula naman na masayang bakasyon ng Megastar na si Sharon Cuneta, kasama ang buong pamilya niya sa Australia ngayon ay nahaluan ng lungkot.
Sa pag-uwi raw nila ng bansa, mukhang naka-caught sila ng COVID virus sa Australia.
Ayon kay Sharon, tatlo raw sa family members niya ang positibo ngayon sa COVID-19.
“Should’ve been a happy homecoming from Australia, but 3 family members now down with Covid. Please pray for the rest of our family and our household staff.”
Sinabi rin nito ang brand ng covid test kit na ginamit na gawa raw ng best friend ng anak na si Frankie Pangilinan at very accurate raw.
Hindi binanggit ni Sharon kung sino sa tatlong miyembro ng pamilya niya ang nag-positibo. Pero dahil sa pangyayari, hindi na rin makakasama si Sharon sa ‘ASAP’ sa Las Vegas.
Ang message niya kay Ogie Alcasid, “Thank you bff my love… so sorry I cannot be with you in ASAP in Vegas… am so upset and worried. Love you and Nana.”
***
NGAYONG nakauwi na ng bansa ang premyadong actress na si Jaclyn Jose pa lamang siya nakapag-post sa naging kaganapan noong birthday niya.
Timing naman na nasa U.S. ang actress nang mag-celebrate siya ng kanyang kaarawan noong October 21. Nasa U.S. ang actress dahil sa shooting ng movie nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria kunsaan, isa rin siya sa cast.
Ang bunsong anak ni Jaclyn na si Gwen ay sa U.S. na rin naka-base kasama ang kanyang girlfriend at kunsaan ay nagtatapos ito ng kolehiyo. At inamin naman ng actress na isa ito sa nagiging cause minsan ng kalungkutan niya—na malayo ang anak sa kanya at talagang namimiss niya.
Natuwa kami sa ipinost na picture ni Tita Jane kunsaan ay kasama niyang nag-dinner si Gwen on her birthday. Nakapag-bonding silang mag-ina at nakikita namin sa actress na masaya ito na nakasama ang anak niya sa mismong kaarawan niya.
Bukod dito, masaya rin si Tita Jane dahil ang kanyang apo na si Ellie Ejercito, kahit na hindi niya kasama physically, naka-facetime naman daw niya sa mismong birthday niya.
Sabi niya, “Thank you anak for having my birthday wonderful and Ellie apo ko for the facetime in greeting me. I love you.”
Simple lang talaga ang kaligayahan ni Tita Jane, ang makasama paminsan at maalala ng kanyang mga anak at apo.
Dahil hindi nabanggit ni Tita Jane ang panganay na anak na si Andi Eigenmann, may ilang netizens na nagtatanong kung binati raw ba siya n Andi. May nag-comment naman na posibleng hindi raw nakabati sina Andi at Philmar Alipayo dahil bumagyo, huh!
Anyway, only them knows. Pwede rin naman na katulad ni Ellie, nag-chat din sila o nagka-video call.
META: Timing na nasa U.S. ang actress na si Jaclyn Jose na nagsu-shooting ng movie nang mag-celebrate ito ng kanyang kaarawan. Kaya halatang masaya ito at nakapag-dinner siya kasama ang bunsong anak na si Gwen. May ilang netizens naman ang nagtatanong kung binati raw ba siya ng panganay na si Andi Eigenmann.
***
APEKTADO rin ang actress na si Arci Muñoz sa nangyari sa South Korea na stampede sa Itaewon kunsaan, mahigit 150 na katao ang nasawi, kabilang na ang singer/actor na si Lee Ji Han.
Si Arci na by heart baka pwedeng sabihin na half-Pinoy at half-Korean na dahil sa pagmamahal niya sa BTS at iba pang Korean drama.
Kaya sabi niya sa kanyang post, “My heart is breaking with/for you. There are no words to convey how terrible and tragic the recent incident that occurred in Itaewon.
“My prayers to all who lost their lives and May God give all their loved ones the strength to conquer these painful times.”
META: Bilang isang k-pop/k-drama fan, heart broken si Arci Muñoz sa nangyaring Itaewon tragedy.
(ROSE GARCIA)
-
FIFA ipinagpaliban ang desisyon sa hirit ng Palestine na suspendihin ang Israel
PANSAMANTALANG ipinagpaliban ng FIFA ang kanilang desisyon na suspendihin ang Israel sa paglahok ng kanilang torneo. Ayon sa FIFA , na hindi muna sila maglalabas ng anumang desisyon ukol sa hiling ng Palestine. Hiniling kasi ng Palestine na suspendihin ang Israel at ang kanilang council dahil sa ginawang pag-atake nito sa […]
-
Mayweather, papayag lamang na makaharap si McGregor kapag bayaran ng $300-M
NAGLATAG si US boxing champion Floyd Mayweather ng kaniyang nais na premyo sakaling humirit ng rematch si UFC star Conor McGregor. Sinabi nito na kapag ipilit ng Irish fighter ang muling paglaban nila ay dapat ay bayaran siya ng $300 million. Maging si Khabib Nurmagomedov ay kaniyang hinamon kung saan papayag lamang ito […]
-
Pinas, Moderna nagkasundo sa 13 milyong doses
Nagkasundo ang Moderna Inc. at gobyerno ng Pilipinas para sa pagbili ng 13 milyong doses ng bakuna ng kumpanya na nakatakdang ideliber sa bansa sa kalagitnaan ng taon. Kinumpirma ito mismo ng Moderna Inc. kasabay ng pagsasabi na agad na aasikasuhin ang mga kinakailangang panuntunan tulad ng pagkuha muna ng ‘emergency use authorization […]