• September 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya hindi mapapanood sa Vivamax: KELLEY, balik-showbiz pero ‘di maghuhubad sa pelikula

TWO years na nawala, nagbabalik-showbiz ang beauty queen-actress na si Kelley Day.

 

 

Mula sa GMA 7 ang humahawak na ng kanyang career ay ang 3:16 Media Network niLen Carrillo.

 

 

 

Paano siyang napunta sa pangangalaga ni Ms Len na may connect sa Viva at Vivamax.

 

 

“Wala akong plan to re-enter showbusiness. Pero I knew that if may opportunity, na sabi ko sa mom ko, at sa boyfriend ko like..I will not..like go out of my way to find that opportunity kasi I guess, I have other things that I want to achieve also.

 

 

“But, if there’s an opportunity that attracts me, then I’m open to it.

 

 

“And then, ayun it happened na tumawag ‘yung mom ko sa akin. Sabi niya ‘I met someone I think, she likes to be your manager.’

 

 

“So, noong nag-meet kami ni ‘Nay Len, sabi ko, this is what I want.

 

 

“Kasi medyo ano ako..sa boundaries ko, sa limitations ko,” kuwento pa niya.

 

 

Ano ang plano niya sa kanyang career?

 

 

“I plan to venture into movies, and do some teleseryes again. Because I really enjoyed that at a time,” wika pa ni Kelley.

 

 

 

Pero ayon mismo kay Kelley ay hindi siya maghuhubad sa harap ng kamera.

 

 

 

“Hindi po ako magbi-Vivamax.”

 

 

 

Marami na ring beauty queen ang nagpaka-daring sa Vivamax pero ayon kay Kelley, 100% siyang hindi gagawa ng movie sa Vivamax at hindi tatanggap ng daring roles sa ngayon.

 

 

 

“Ayokong maghubad lang ako, just for the views. Kaunting pa-sexy. It really depends. Kasi, for me I have my own personal limitations.”

 

 

Dagdag pa niya kung hanggang saan ang kaya niyang gawin.

 

 

“Kasi they asked me one time sa isang meeting, kung kaya kong mag-backless.

 

 

 

“I said, yeah! But it depends on the context of the backless. Kung nagbibihis lang ako, okey lang.

 

 

 

“Pero if it’s an intimate scene, hindi na!”

 

 

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

 

Other News
  • MMDA, planong kanselahin ang ticket, ibalik ang in-impound na e-bikes sa mga violators

    PLANO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kanselahin ang mga ticket at ibalik ang mga na- impound na sasakyan sa mga violators o lumabag sa pagbabawal sa e-bikes at e-trikes.     Ito’y matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa MMDA at mga lokal na pamahalaan na bigyan ng “one month grace […]

  • Bulacan, gugunitain ang Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino

    LUNGSOD NG MALOLOS– Pangungunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang paggunita sa “Ika-123 Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino” sa makasaysayang bakuran ng Simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito sa Linggo, Enero 23, 2022, alas-8:00 ng umaga.     Bilang panauhing pandangal, pangungunahan ni Fernando ang pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak […]

  • PDu30, hindi pisikal na makakasama sa pangangampanya ng mga senatorial bets

    HINDI pisikal na makakasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pangangampanya ng kanyang mga inendorsong kandidato sa pagka-senador para sa May 9 elections.     Ang katwiran ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay “there are no official entries set yet in his calendar.”     Sa kasalukuyan, ang Pangulo ay abala […]