Kaya ilang araw ng wala sa ‘Eat Bulaga’… PAOLO, nagsu-shooting sa Australia kasama sina JIMMY, KAYE at PATRICK
- Published on July 19, 2023
- by @peoplesbalita
NAGTATANONG na ang mga netizens na nanonood daily ng “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc, bakit daw ilang araw nang hindi napapanood sa noontime show si Paulo Contis?
Salamat sa post ng Sparkle Artist Center na kasama ni Paolo si Jimmy Santos, na dating Dabarkads ng “Eat Bulaga,”
Caption ng photo ay, “Paolo Contis is with his co-star Jimmy Santos, in Tasmania, Australia. Catch them on a Mavx movie real soon,”
Nabalitang nasa Canada si Jimmy, so ngayon ba ay balik-acting muli ang komedyante?
Ayon din sa Instagram page ni Paolo, nagsu-shooting sila sa Australia. Bukod kay Jimmy Santos, kasama rin sa shooting sina Kaye Abad at Patrick Garcia, at parang may “Tabing Ilog” reunion, dahil magkakasama sila noon sa dating serye ng ABS-CBN.
Pero wala nang ibang details tungkol sa shooting ng movie sa Australia, maliban sa IG post ni Patrick na nakatapos na sila ng day 8 of shooting.
Ang movie ay produced ng Mavx Productions, the same film studio behind “Unravel” na pinagsamahan nina Kylie Padilla at Gerald Anderson noon at napanood noong Summer Metro Manila Film Festival last April, 2023.
Sila rin ang nag-produce ng “Dollhouse” noon ni Baron Geisler.
***
SA July 22 na ang GMA Gala 2023, kaya kanya-kanyang nang isip ng gimmick ang mga Kapuso couples na magpapakilig sa pagrampa nila sa red carpet.
Isa nga sa naghanda na ay ang mag-sweetheart na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo.
Isang airport proposal ang ginawa ni Jeric na ipinakita na niya sa kanyang Instagram ang kabuuang proposal na may caption na, “She said Yes!!! Thank you sa pagpayag na maging date ko on GMA Gala, I love you Rabiya Mateo!”
Isa rin si Klea Pineda na ipinakita sa TikTok ang cute video na sinorpresa niya ang girlfriend na si Katrice Kierulf sa kanyang tanong na: “Will you be my date on July 22 for GMA Gala Ball?” Hindi nabigo si Klea dahil ang nakuha niyang sagot kay Katrice ay “Yes, Baby!”
Mapapanood ang official red carpet livestream on July 22, 5p.m. on Sparkle’s social media accounts.
***
NAG-POST si KC Concepcion sa kanyang social media, ng bonding moments niya kasama ang amang si Gabby Concecpion at mga little sisters niyang sina Samantha at Savannah.
Mga anak ito ni Gabby sa wife na si Genevieve Yatco Gonzales. Nag-celebrate sila ng birthday ni Savannah sa isang restaurant sa Tagaytay City.
Nag-comment ang mga netizens na humanga sa pagiging mabuting ate ni KC sa mga little sisters niya.
“Parang mas happy and at peace si KC sa father’s side niya,”
“The right thing to do for a blended family, good job KC.”
“Nice bonding! Si Kristina mabait na Ate sa lahat ng mga kapatid niya.”
Matatandaan na kailan lamang ay nag-bonding naman sina Gabby at KC sa YouTube noong Father’s Day, na napaiyak pa si KC nang mapagkuwentuhan nilang mag-ama ang muli nilang pag-uusap makalipas ang halos dalawang dekada, na hindi niya narinig ang boses ni Gabby.
Meanwhile, nagsimula na ring mag-taping si Gabby ng teleserye nila ni Marian Rivera, na nag-assure sa kanya na this time, tuluy-tuloy na ang pagtatambal nilang dalawa.
Hindi nga sila natuloy noong una, dahil ipinagbuntis niya noon ang second child nila ni Dingdong, ang three-year old son nilang si Sixto.
(NORA V. CALDERON)
-
39 Pinoy nananatili pa rin sa Gaza
KINUMPIRMA ni Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac na nasa 39 Pinoy, na nananatili pa rin sa Gaza, ang inaasahang makatatawid na rin sa Rafah border patungong Egypt, sa lalong madaling panahon. Ayon kay Cacdac, base sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 98 na ang mga […]
-
Halos 13k katao apektado ng lindol sa Abra
LALO pang dumami ang mga naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol mula sa hilagang bahagi ng Luzon, bagay na nag-iwan na ng apat na patay at mahigit isang daang sugatan. Ito ang pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) patungkol sa pagyanig nitong Miyerkules na siyang nagmula sa epicenter na […]
-
75k trabaho sa mga Pinoy, nakaabang na sa ngayon- DOLE
TINATAYANG nasa may 75,000 na mga potensiyal na trabaho ang naghihintay sa mga Filipino. Bunga ito ng mga naging pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa labas ng bansa. Sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa press briefing sa Malakanyang na manggagaling ito sa sektor ng enerhiya kabilang na ang renewable […]