• December 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya madaling nakatatawid sa ‘Pulang Araw’ at ‘Green Bones’: DENNIS, inaming ’special skills’ ang makapag-switch off agad sa bawat role

EXCITED na rin kaming mapanood sa Araw ng Pasko ang “Green Bones” na pinagbibidahan nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, na mukhang lalaban din ng Best Film, base na napakagandang trailer na talaga namang pinalakpakan.

 

 

Isa nga ito sa 10 official entry sa ika-50 edition ng Metro Manila Film Festival na mula sa GMA Pictures, GMA Public Affairs at BrightBurn Entertainment na pag-aari nina Dennis at Jennylyn Mercado.

 

 

At base nga sa pinakitang trailer, nagpakitang gilas sa aktingan sina Dennis at Ruru sa “Green Bones” kaya sigurado nang lalaban din sila sa pagka-best actor sa MMFF 2024 Gabi ng Parangal ng MMFF 2024, na magaganap sa December 27 sa Solaire Resort Manila.

 

Ibang-iba ang ipinakita ni Dennis sa pelikula at isa sa mga challenge na ginawa niya ay ang pagsa-sign language na kung saan ginagampanan niya ang role bilang si Domingo Zamora, na nakulong dahil sa pagpatay kanyang kapatid na babae.

 

Sa trailer ng pelikula, dinala si Domingo sa San Fabian Prison and Penal Farm, ang pinakamalaking bilangguan sa labas ng Metro Manila. Nakikipag-usap siya sa mga kapwa niya PDL o persons deprived sa pamamagitan ng pagsenyas at galaw ng mata.

 

Dahil dito, maghihinala ang prison guard na si Xavier Gonzaga, ginagampanan ni Ruru, na pinaplano na ni Domingo ang kanyang pagtakas.

 

Kuwento ni Dennis tungkol sa kanyang role, “masaya ako na natuwa sila sa ginawa ko.

 

“Ako ay isang taong mahirap ding I-please. Kaya pala akong nag-e-exert ng extra effort tuwing may bago akong proyekto na gagawin.

 

“Lalong-lalo na ramdam ko ang magnitude ng project na ’to at ‘yun season kung kailan siya ipalalabas. Nakaka-excite dahil ito yun time nananood ang tao, kaya excited mo na umikot sa mga sinehan at makita silang lahat doon.”

 

May ibinahagi rin si Dennis tungkol sa mahihirap na characters na ginampanan niya, tulad dito sa “Green Bones”, kakaiba talaga sa “Pulang Araw”.

 

“Tulad ng sinabi ko kay Ruru, isa sa special skills ko ay mabilis ko siyang ma-switch off, dahil siya nahihirapang bumitaw pagkatapos, nadadala niya sa ibang set.

 

Pero ako, kahit galing ako sa ‘Pulang Araw’, kaya kong tumawid sa ‘Green Bones’.

 

Tinanggap ko ang project na ito dahil akala ko magiging rest day ko ‘yun ‘pag nag-shoot ako ng ‘Green Bones’ dahil wala ako masyadong dialogue, pero mas mahirap pa pala.

 

“Dahil hindi kailangan ng mahahabang dialogue, kailangan mo lang ng tamang timpla ng emosyon para maramdaman ng tao ang gusto mong maramdaman nila.”

 

Dagdag pa niya, “kaya pareho silang mahirap. Masakit sa utak ang ang ‘Pulang Araw’, nagsasalita ako ng foreign language na minsan hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin, pero kailangan mong maging convincing.

 

“Siguro yun ang pinakamahirap ang maging convincing sa bawat role na gagawin mo. Maging Hapon ka man noong unang panahon at maging preso sa panahong ito.”

 

Mula sa direksyon ni Zig Dulay na nagdirek din ng award-winning MMFF 2023 entry na “Firefly”.

 

Mula sa original story ni JC Rubio, senior documentary manager ng GMA Public Affairs, at isinulat nina National Artist Ricky Lee at MMFF 2023 Best Screenplay winner Anj Atienza.

 

Kasama nila ni Ruru sa movie sina Michael De Mesa, Ronnie Lazaro, Kylie Padilla, Iza Calzado, Sofia Pablo, Alessandra de Rossi, Wendell Ramos, Pauline Mendoza at marami pang iba.

 

Samantala, masaya naman sila Jen bilang producer ng “Green Bones” dahil napasama agad ang movie nila sa 50th MMFF.

 

Tugon pa niya, “maraming mga nag-pitch sa amin ngayon ng mga projects at umaasa kami na marami pang magagandang ka-collaborate sa susunod na mga taon.”

 

Natanong din si Dennis kung posible rin siyang mag-direk?

 

“Hindi imposible,” sagot ng ng premyadong aktor.

 

“Siguro sa pagiging aktor ko for nang more than twenty years, pag-o-observe sa bawat taping at shooting, at kung anu-ano pang projects na ginawa ko, siguro magiging kumportable din ako sa pagdi-direk dahil alam ko kung paano magtrabaho ang sang artista.”

 

Goodluck team ‘Green Bones’!

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

 

Other News
  • Bagong Partido ng Maynila inilunsad

    NAGSAMA-SAMA  ang iba’t ibang sektor  para sa pormal na pagtatatag at paglulunsad ng bagong partido sa Maynila.     Tinawag ang partido na United Manileños na layon ng isang pagbabago mula sa kasalukuyang nangyayari sa lungsod     Kabilang sa mga sektor na nakiisa sa panawagan ng pagbabago at pagtatag ng bagong partido ang hanay […]

  • Pamasko ng Malabon LGU… HIGIT 84K MALABUEÑOS TATANGGAP NG IKAAPAT NA AYUDA

    MAKAKATANGGAPmula sa Pamahalaang Lungsod ng Malabon ng ikaapat na bahagi ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Malabon Ahon Blue Card (MABC) ang nasa 84,048 benepisyaryo bilang bahagi ng mga hakbangin ng lungsod na magdala ng saya at pagmamahal sa mga Malabueño ngayong kapaskuhan.       Ibinahagi ng City Monitoring, Evaluation, Accountability, and Learning […]

  • PH, China balik- ‘negotiating table’ para sa nabiting proyekto

    BALIK -negotiating table ang China  at Pilipinas para sa pagpopondo ng ilang  infrastructure projects matapos isiwalat ni Transport Undersecretary for Railways Cesar Chavez na “withdrawn” na ang mga ito dahil sa kawalan ng aksyon ng Beijing ukol sa pagpopondo na hiniling ng nakalipas na administrasyon.     Kaagad namang nagbigay ng paglilinaw ang  Chinese Embassy […]