• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya mas type ang non-showbiz boyfriend: IVANA, naka-ilang date na taga-showbiz na ginawa siyang ‘sugar mama’

DERETSAHANG inamin ni Ivana Alawi na nakikipag-date siya ngayon.
Pero nilinaw niya, wala siyang boyfriend, at kung magkakaroon man, ayaw niya ng taga-showbiz.
“Hindi talaga ako mahilig sa showbiz. Pag showbiz, hindi talaga kami nagwo-work.”
May nakakalokang rason si Ivana kung bakit ayaw niya sa mga taga-showbiz?
“Ano ka ba? Naka-ilang date na ako ng mga showbiz, ginagawa akong mama, sugar mama!
“Ako naman, okay ako, split the bill. Pero huwag naman todo-todo na lahat na lang ako,” ang pasabog na rebelasyon pa ni Ivana.
Isa pang rason niya, hindi niya raw keri makita ang boyfriend niya na may kalaplapan sa pelikula o teleserye.
“Ayoko yung showbiz na nakikita ko nakikipaglaplapan sa iba, hindi ko kaya. Pero ako puwede, di ba?
“Sana maintindihan niya. Kung pipili siya ng showbiz, kaya niya ako. Kasi ako, yung mga kissing scenes, bed scenes, so dapat ready siya.
“Ako, hindi ako ready sa kanya. Kaya non-showbiz.”
Sobrang busy ni Ivana bilang pinakasikat na content creator kaya thankful siya sa mga pagkakataong nakaka-bonding niya ang pamilya niya.
“Yung time with the family, kakain kami, nagluluto kami, tapos kakain nang sabay-sabay.
“Iyon yung mga simpleng bagay na hindi ko mabibili, pero nae-experience ko at masayang-masaya ako dun.
“Alangan namang lumablayp pa ako, hindi pa ako tapos sa trabaho.
“So, parang yun naman e, work, family, saka date-date ganun.”
At ang pagtulong niya sa mga nangangailangan ang way niya para i-pay forward ang mga biyayang natatanggap niya.
“Ang nasa utak ko, tumulong muna, bago ako lumab-life, di ba? Bago ako mag-focus sa pag-ibig.
“Mga vendors, magsasaka, yung mga taong nangangailangan talaga ng tulong. Yung mga fishermen natin, iyan,” pahayag pa ni Ivana.
May isang bagay raw ang hindi niya papasukin, ang pulitika.
“Ano naman ang ilalaban ko sa Pilipinas? Hindi naman yung arte na content creation lang.
“Actually, ang daming nagsasabing, ‘Tumakbo ka, tumakbo ka. Grabe ka mamigay.’
“Hindi naman ako namimigay para tumakbo, at hindi mo rin kailangan tumakbo para makapamigay.
“Ang pagtakbo talaga is for the country. Iyung may maganda kang magagawa na batas. Mas mapapaganda mo yung bansa natin.
“Kailangan nating lumaban at lumebel-up no? “So iyon, hindi talaga ako tatakbo, kasi wala naman akong alam diyan.
 
(ROMMEL L. GONZALES) 
Other News
  • Sixers pinatawan ng $100-K ng NBA dahil sa hindi tamang pagdeklara sa lagay ng kalusugan ni Embiid

    PINATAWAN ng NBA ang Philadelphia 76ers dahil sa mga maling impormasyon ukol sa lagay ng kalusugan ng kanilang star player na si Joel Embiid.     Matapos ang inilabas ng koponan na nagkaroon ng pamamaga sa kaniyang kaliwang tuhod si Embiid ay nagsagawa agad ang NBA ng imbestigasyon.     Lumabas na wala namang nalabag […]

  • Dagdag pang 600K driver’s license plastic cards, dumating na sa LTO

    TINIYAK ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na makukumpleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw.     Ito ay makaraang matanggap na rin ng LTO  ang 600,000 pang piraso ng plastic cards  na ginagamit sa pag-imprenta ng driver’s license cards.     Aniya, ang […]

  • Robredo hanga sa resignation ni Magalong

    Hinangaan ni Vice President Leni Robredo si Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil sa irrevocable resignation na inihain nito bilang contact tracing czar kasunod nang kanyang pagdalo sa isang party kung saan hindi nasunod ang COVID-19 protocols.     Sinabi ni Robredo na “napakahusay nang pag-ako ng accountability” ni Magalong na dapat pamarisan nilang mga […]