• March 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya pa ba ng ‘anti-silos power’ ni Jak?: BARBIE at DAVID, iniintriga na dahil sobrang sweet sa isa’t-isa

TULOY na ang game at variety show ni Lucky Manzano na “It’s Your Lucky Day” ang papalit sa “It’s Showtime” habang ang popular noontime show ay nasa 12-day suspension na magsisimula na ngayong Sabado, October 14.

 

 

Sa statement na inilabas ng ABS-CBN, sinabing si Luis ay sasamahan nina Robi Domingo, Jennica Garcia at Melai Cantiveros sa show: “Mula sa bumubuo ng “It’s Showtime” at “It’s Your Lucky Day,” ay magtatampok ng bagong game at variety segments at ipalalabas tuwing tanghali mula Oktubre 14 hanggang Oktubre 27, Lunes hanggang Sabado, sa Kapamilya Channel, A2Z, at GTV.  “Mapapanood din ito sa Kapamilya Online live, iWantTFC, at TFC.

 

Inaanyayahan namin ang mga manonood na patuluyin ang swerte sa kanilang mga tahanan at makisaya kasama ang buong pamilya sa “It’s Your Lucky Day,”

 

 

Ayon sa reports, ang show ay sasamahan din ng mga Kapamilya stars na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin.  Kasama rin ang mga comedians na sina Negi, Long Mejia, Petite at Divine Tetay.

 

 

Bago  ang announcement na ito ng ABS-CBN, sinabi rin nila na hindi na sila nag-appeal sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa suspension ng “It’s Showtime.”

 

 

Nagpasalamat din ang ABS-CBN sa kanilang mga viewers sa suporta nila sa “It’s Showtime” na nakatakdang bumalik sa October 28, stronger and better than ever.

 

 

***

 

TULOY ang ‘Gabay Guro Grand Gathering 2023’ sa October 14, pero hindi sure nina Gabby Concepcion at Albert Martinez, dalawa sa invited guests ni Guidance Teacher Chairperson Ms. Chaye Cabal-Revilla kung makakadalo sila sa event dahil pareho silang may previous commitments na.

 

 

Dumalo sila sa announcement ng culmination ng event sa taong ito, na “Pagpupugay at Pasasalamat kay Ma’am at Sir,” bilang suporta na ginagawa nila taun-taon.

 

 

Sa naturang mediacon naungkat pala ang naging relasyon ni Albert kay Sharon Cuneta na kapwa ‘80’s heartthrob niya at ex-husband naman na si Gabby.

 

 

Kung si Albert daw ang first boyfriend ni Sharon noon.  Nagbiro nga si Albert na parang mali ang napuntahan niyang event.  Ayon naman kay Gabby, hindi raw sina Albert at Sharon, si Snooky raw ang girlfriend noon ni Albert.

 

 

Pero noon pa raw ay inamin ni Albert na siya nga ang unang boyfriend ni Sharon sa showbiz.  Na-meet daw niya si Sharon sa GMA Supershow.

 

 

May offer din daw siya noon sa first movie nina Sharon at Gabby na “Dear Heart” kaya lang, hindi raw siya pinayagan ni Mother Lily dahil ginawa naman nila ni Snooky ang “Bata Pa si Sabel” sa Regal Films.

 

 

Naging girlfriend na ni Gabby si Sharon at naging girlfriend naman ni Albert si Snooky noon.

 

 

***

 

 

NAIINTRIGA na raw ngayon ang mga behind-the-scenes video ng BarDa nina Barbie Forteza at David Licauco, sa kanilang top-rating GMA Primetime series na “Maging Sino Ka Man.”

 

 

Lagi raw kasing nakikitang magka-holding hands ang dalawang bida, kahit hindi pa magti-take.  Kahit ang paghawak-hawak sa balikat ni Barbie kay David ay pinapansin ganoong hindi pa raw naman magro-roll ang kamera.

 

 

Sa sobrang sweet daw ng dalawa sa isa’t isa, hindi pa rin daw kaya nagseselos si Jak Roberto, ang boyfriend ni Barbie.

 

 

Kaya pa rin daw ba ito ni Jak at ng kanyang “anti-silos power?”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • 200 tauhan ng LTO-NCR West ipapakalat ngayong Semana Santa

    NASA  200 na mga kasapi ng Land Tranportation Office sa National Capital Region-West ang ipinakalat nila para sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”.     Ayon kay LTO-NCR West Regional Director Roque Verzosa III na layon ito ay para matiyak na nasusunod ng mga pampasaherong sasakyan ang Land […]

  • Basketball rings sa QC, pinagbabaklas

    DAHIL sa paglaganap ng coronavirus o COVID-19 sa bansa ay pinatanggal na ni Mayor Joy Belmonte ang mga basketball ring sa iba’t ibang barangay sa Quezon City.   “Tinanggal ng mga punong barangay namin ang lahat ng mga basketball ring sa covered courts para siguradong hindi sila mag-basketball at kung ano pang mga hindi nila […]

  • Ads October 1, 2021