Kaya pinusuan ng netizens ang video sa TikTok… NICOLE, pinaramdam na proud na proud na may dugong Pinoy
- Published on August 16, 2024
- by @peoplesbalita
PROUD sa kanyang pagiging Pinoy ang former member ng Pussycat Dolls na si Nicole Scherzinger.
On TikTok, nag-share ng video si Nicole habang umaawit siya ng “Hush Hush” sa isang dinner party.
Sinabi pa ng ‘The Masked Singer’ judge sa video: “Tell me you’re a Filipino without telling me you’re a Filipino!”
Pinusuan ng maraming Pinoy netizens ang video ni Nicole dahil ramdam nila ang pagiging proud na may dugong Pinoy ito.
Ang buong pangalan ng singer ay Nicole Prascovia Elikolani Valiente. Pinoy ang kanyang ama at Hawaiian ng kanyang ina. Kahit na raw pinanganak ito sa Honolulu at lumaki sa Kentucky, nakakaintindi ito ng Tagalog dahil sa kanyang ama.
Last year, si Nicole ang second actress of Asian descent na nanalo ng Laurence Olivier Award for Best Actress for the musical ‘Sunset Boulevard’. Unang nanalo si Lea Salonga in 1990 for ‘Miss Saigon’.
***
PUMANAW sa edad na 94 ang acclaimed American actress, three-time Emmy winner and dual Oscar nominee na si Gena Rowlands.
Nakilala si Gena sa kanyang Oscar nominated performances sa mga pelikulang ‘Gloria’ at ‘A Woman Under The Influence’. Parehong dinirek ito ng kanyang mister na si John Cassavetes.
Huling memorable film ng aktres ay ang 2004 film na ‘The Notebook’.
Ang anak ng aktres na si Nick Cassavetes ang nag-reveal na may Alzheimer’s disease ito noong nakaraang June.
Pumanaw si Gena mula sa complications ng Alzheimer’s disease sa kanyang tahanan sa Indian Wells, California noong August 14.
Lumabas din si Gena sa mga pelikulang Opening Night, Faces, Love Streams, Tempest, Something To Talk About, Hope Floats, She’s So Lovely, Paulie, The Mighty, The Skeleton Key at Six Dance Lessons in Six Weeks.
(RUEL J. MENDOZA)
-
NAVOTAS SCHOLARS TUMANGGAP NG ALLOWANCE
TUMANGGAP ang academic scholars ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng kanilang allowance para sa March hanggang June 2021. Nasa 62 beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship ang nakatanggap ng P4,000-P20,800 educational assistance. 55 dito ang high school students, dalawa ang college, at lima ang teachers. “Metro Manila will be under Enhanced Community […]
-
Exclusive interview, ia-upload before election… VICE GANDA, tinawag na susunod na Pangulo si VP LENI
ANG mga hari at reyna pa rin talaga ng Kapuso network ang unang nagpapabalik ng face-to-face presscon ng GMA Networks. Ang bagong sitcom at magsisilbing comeback ni Marian Rivera at the same time, comeback din ng team-up nila ni Dingdong na “Jose & Maria’s Bonggang Villa” ang unang f2f presscon […]
-
KRIS, natuloy na rin ang paglabas sa GMA Network bilang co-host ni WILLIE
GUMAWA ng pakikipag-usap si TV-host producer na si Willie Revillame, sa namamahala ng Clark International Airport sa Pampanga at sa Inter-Agency Task Force, para doon mag-show nang live, ang kanyang Wowowin: Tutok To Win daily, 5:30 – 6:30 PM, habang naka-ECQ ang Metro Manila/NCR. Kahapon, Sunday, August 8, doon din ginanap nang live […]