• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya thankful sa kanyang management: RONNIE, tuloy lang ang projects kahit busy sa pag-aaral

THANKFUL ang singer-actor na si Ronnie Liang sa Viva Artists Agency (VAA) dahil kahit na naging abala siya sa kanyang pag-aaral at sa Philippine Army, tuloy lang daw ang pagbigay sa kanya ng projects.

 

 

“I’m very grateful to Boss Vic (del Rosario), Ma’m Veronique (del Rosario), and Boss Vincent (del Rosario) for all the opportunities. I feel like this is truly my mission—to serve the country and serenade our kababayans.

 

 

“What fulfills my heart ay ‘yung nakakatulong at nakakapag-serve ako sa bayan through my military service and songs,” sey ni Ronnie na ni-revive ang OPM classic na “Ngayon at Kailanman.”

 

 

Tinutulungan din siya ng VAA sa kanyang advocacy through his foundation, “Project Ngiti,” at sa preparation sa upcoming concert niya on November 10 sa Grand Hyatt Manila.

 

 

Muli kasing nakatapos si Ronnie ng bagong kurso in Adjutant General Service Officer Advance Course (AGSOAC) at the Training and Doctrine Command of the Philippine Army. Natapos niya ito noong nakaraang August 25 sa Camp O’Donnell in Tarlac.

 

 

“It is a ceremony na kung saan binibigyan ng recognition kaming mga nakatapos ng Adjutant General Service Officer Advance Course. Hindi madali ang course na ito. All army officers taking this course has to be prepared dahil hindi biro ang training.

 

 

“I dedicated my body and spirit sa loob ng 3 months and 7 days to complete this advance course. Pang-advance course na siya sa Philippine Army and usually entitled for a promotion na rin para sa regular forces and ganun ding kaming mga reservist,” sey pa ni Ronnie.

 

 

May rank na 1st Lieutenant si Ronnie sa Philippine Army. Importante raw na mas mapalawak pa niya ang kanyang mga nalalaman bilang isang army reservist.

 

 

“Nakipagsabayan ako sa mga regular na sundalo sa academic and non-academic — Physical Fitness Tests, 1 Philippine Army Warrior Fitness test, examinations, report presentation, exercises, and research. One of our duties and responsibilities as reservists ay ‘yung patuloy na mag-aral at hasaan ang skills para mas marami pa kaming magawa at maitulong para sa bayan.”

 

 

***

 

 

KUDOS sa GMA Public Affairs dahil sa husay sa paggawa ng dokumentaryo na ‘Secret Slaves: A Jessica Soho Special Report on Human Trafficking’.

 

 

Bukod sa mataas na ratings ay trending din ito online. Isa nga ito sa top trending topics sa X noong nakaraang Sunday.

 

 

Eye-opener ang dokumentaryo dahil sa iba’t ibang kuwento ng pang-aalipin at pang-aabusong nangyayari sa likod ng madilim na mundo ng human trafficking, cybersex, pati na rin illegal organ trade.

 

 

Dapat lang palakpakan sina Jessica Soho, Emil Sumagil, at John Consulta at ang buong team sa likod ng docu special sa kanilang effort at tapang na subukang ma-rescue ang mga biktima.

 

 

***

 

 

ENGAGED na ang singer na si Charlie Puth sa kanyang girlfriend na si Brooke Sansone.

 

 

Puth wrote on Instagram: “I flew to New York to ask my best friend to marry me, and she said yes. I am the happiest, best version of myself and it is all because of you Brookie. I love you endlessly forever and ever and ever.”

 

 

Nag-celebrate sila ng kanilang engagement sa Carroll Gardens neighborhood of Brooklyn.

 

 

Charlie proposed to Brooke with a pear-shaped diamond ring na naka-post na sa IG.

 

 

Noong October 2022 naging official ang relasyon nila Charlie at Brooke.

 

 

Nakilala si Charlie dahil sa hit single niya with Wiz Khalifa na “See You Again” noong 2015. Si Brooke naman ay into digital marketing and PR coordinator at Butter and Eggs Interiors.

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Dwayne Johnson, Announces Premiere Date of Netflix Film ‘Red Notice’ With Ryan Reynolds and Gal Gadot

    NETFLIX just revealed the release date of its biggest movie Red Notice and set to premiere globally this November 12.     This is announced by Dwayne Johnson on his Instagram, where he uploaded a photo of him with his co-stars Ryan Reynolds and Gal Gadot.     In his caption, he said: “Ladies & gents @Netflix’s biggest movie ever #REDNOTICE will premiere in […]

  • Dating VP Leni Robredo, pinaalalahanan ang publiko hinggil sa kumakalat na ‘fake number’ na humihingi ng donasyon

    PINAALALAHANAN ni dating Vice President Leni Robredo ang publiko hinggil sa kumakalat na fake number na humihingi ng donasyon para sa mga biktima ng bagyong Kristine.   Ayon kay Robredo, isa lang ang kanyang personal na numero at hindi rin siya gumagamit ng messenger.   Nilinaw din ng dating pangalawang pangulo na ang kanilang Angat […]

  • 28M Pinoy, nananatiling hindi pa bakunado laban sa COVID-19

    TINATAYANG umaabot pa sa 28 hanggang 30 milyong Filipino ang hindi pa bakunado laban sa COVID-19.     Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kabilang sa numerong ito ang 3 milyong senior citizens o nasa edad na 60 pataas.     Dahil dito at sa patuloy na pagtaas ng bilang […]