• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaya tuloy na tuloy pa rin ang ligaya: TITO, VIC & JOEY, na-retain ang creative control sa ‘Eat Bulaga’

TIYAK na ikatutuwa ng mga fans at followers ng long-running noontime variety show na “Eat Bulaga,” ang post na “Tuloy ang ligaya! TVJ to retain creative control of “Eat Bulaga” as Jalosjos family agrees to stand down. – Eat Bulaga was at risk of a major overhaul due to a feud between its stakeholders.  But it looks like the crisis has been averted, at least for now.”

 

 

Ayon pa sa post, the iconic hosts of EB, Tito, Vic & Joey (TVJ) and the children of former congressman Romy Jalosjos have agreed to maintain the status quo after a make or break meeting on April 11.

 

 

Reportedly the Jalosjos children accepted the terms made by TVJ, they agreed not to replace anyone in EB’s production staff except for some portions in the program.  TVJ and its core group of co-hosts and creative team would have the final say on the program which has been on air since July, 1979.

 

 

Pero hihintayin pa rin natin this Saturday, April 15, na sabi’y ipaaalam ng EB management ang final development at kung mari-retain pa rin lahat ang mga hosts ng show.  Marami kasing kumalat na balita noon kung sinu-sino na lamang ang mari-retain daw na mga hosts ng show, na napapanood Mondays to Fridays, 12NN to 2:30PM at every Saturday, from 11:30AM to 2:30PM.

 

 

                                                            ***

 

 

FIVE days to go at mapapanood na ng mga Kapuso at diehard fans ng inaabangang “Voltes V Legacy: The Cinematic Experience”, sa lahat ng SM Cinemas mula April 19 hanggang April 25.

 

 

Tampok sa #V5LegacyTheCinematicExperience ang special edit ng unang tatlong linggo ng first-ever live-action adaptation ng hit anime series.  Maaari nang bumili ng tickets online via https://bit.ly/VoltesVAtSMCinema o SM Cinema app.  Pwede ring personal nang magtungo sa SM Cinema ticket booths.

 

 

Abangan din ang “Voltes V: Legacy” sa GMA Telebabad this May, 2023.

 

 

                                                            ***

 

 

SINA Asia’s MultiMedia Star Alden Richards at “Hearts on Ice” leading man Xian Lim and magiging hosts for the highly anticipated grand coronation night of Miss Universe Philippines 2023 na magaganap sa May 14, 2023 sa SM Mall of Asia Arena, in Pasay City.

 

 

The event will feaure the presence of Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi and reigning Miss Universe 2022 R’Binney Gabriel.

 

 

Isa rin si Jessica Sanchez sa mga celebrities na magpi-perform.  Ipinakilala na ang Top 40 phenomenal, transformational Filipinas of Miss Universe Philippines 2023.  Isa rito si Kapuso actress Michelle Dee ng “Mga Lihim ni Urduja.”

 

 

                                                            ***

 

 

HAPPY si Megastar Sharon Cuneta na bago siya bumalik ng Pilipinas, pagkatapos ng “Iconic” concert nila ni Regine Velasquez sa Los Angeles, USA, ay nagkaroon na rin siya ng chance na makapag-shopping sa LAX Hermes store.

 

 

Sa IG post ni Sharon: “Finally got my new Hermes belts (my 20+-year-old ones are still too tight! Pero lapit na) – plus a few other things at The LAX Hermes store. (matatandaan na noong nag-show si Sharon sa South Korea, hindi siya pinayagang makapasok sa Hermes store doon).

 

 

“Ang bait nila napabili pa ko tuloy ng iba! I’ve always loved their cashmere throws too so got myself a couple of new ones plus bracelets! Thank you to S.A. Miss Ivy for the great service! #hermeslax @hermes #walanangisyuha!”

 

 

Dagdag pa ni Sharon, “am home in my safe place…my husband’s loving arms.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Mahigit P11M halaga ng tulong, naipamahagi na sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

    NAIPAMAHAGI  na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit sa  P11 milyong halaga ng  tulong sa mga pamilya na labis na naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao, araw ng Biyernes.     Sa katunayan, tinatayang may 1,1015 benepisaryo ang nakatanggap ng  food packs sa munisipalidad ng […]

  • Balik primetime bilang si ‘Black Rider’: RURU, nagpapasalamat na natupad ang pangarap na makagawa ng isang full-action series.

    NGAYONG  Nobyembre 6, abangan ang pagbabalik ng Primetime Action Hero na si Ruru Madrid sa action-packed Filipino drama series ng GMA Network na “Black Rider.”     Mula sa award-winning group na GMA Public Affairs, tampok sa full-action series na ito ang kabayanihan, paghihiganti, hustisya, at kuwentong pampamilya.     Makakasama ni Ruru sa inaabangang primetime series na ito sina Matteo […]

  • Putin nagbigay kay Macron ng katiyakan na hindi iinit ang tensiyon sa Ukraine

    NAGBIGAY  na ng katiyakan si Russian President Vladmir Putin kay French President Emmanuel Macron na hindi na nila palalalain pa ang tensiyon sa border ng Ukraine.     Sinabi Macron na ito ang naging pagtitiyak sa kaniya ni Putin subalit hindi ito nagbigay ng garantiya.     Umabot aniya sa anim na oras ang ginawang […]