• June 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KC, nagpasalamat sa GMA Network sa paglabas ng article sa kanyang jewelry business; posibleng makapag-guest sa ibang shows

NAGPASALAMAT si KC Concepcion sa GMA Network matapos lumabas sa isang article nila ang tungkol sa pagiging solo entrepreneur ng actress sa kanyang jewelry business, na siya lamang mag-isa ang gumagawa ng mahirap na trabaho. 

 

 

In this way nagawa raw niyang tulungan ang ibang taong nangangailangan.

 

 

Sa Instagram post ni KC: “Thank you @gmanetwork and Ms. Cara Emmeline Garcia @avecmoijewelry and our fellow jewelry lovers who purchased our pieces, were indeed able to provide immediate relief to survivors of the most recent typhoons.”

 

 

Kamakailan ay nag-guest din si KC sa Amazing Earth, infotainment program ni Dingdong Dantes sa GMA, na pinost din niya ang clip nito sa kanyang IG account, kaya maraming nagsasabi na maaari raw bumalik muli sa GMA si KC para mag-guest sa iba pang programa roon.

 

 

Miss na rin ng mga fans ni KC ang actress na matagal nang hindi napapanood sa TV.

 

 

***

 

 

MALUNGKOT si Kapuso actress Lovi Poe na miss na miss na ang kanyang boyfriend na si Montgomery Blencowe from the US.

 

 

Sabi nga balik-sila muli sa LDR (long distance relationship).

 

 

Lovi spent the holidays in the US with Montgomery and his family from UK na bumisita rin sa kanya. Pero after Christmas bumalik na rin agad si Lovi sa bansa para tapusin ang lock-in taping ng bago niyang romantic-comedy series na Owe My Love, kaya ngayon ay miss na miss na ni Lovi ang boyfriend.

 

 

“Being in a long-distance relationship can be tough, lalo ngayong it’s hard to travel because of the pandemic,” sabi ni Lovi.

 

 

“Kaya with the distance, mas lalo naming nami-miss ang isa’t isa and he makes an extra effort to make me feel special kahit we’re so far away from each other.”

 

 

Medyo nalilibang si Lovi dahil sa pagti-taping, ng Owe My Love na mas light kaysa sa mga nauna niyang serye na masyadong dramatic.

 

 

Magiging birthday presentation niya ang serye dahil magsi-celebrate siya ng birthday sa February 11 at magiging post-Valentine offering naman ito ng GMA Telebabad sa February 15, after ng Love of My Life.

 

 

Producer nito ang GMA Public Affairs.

 

 

***

 

 

 

TIYAK na magugustuhan ng mga K-drama adiks ang bagong handog ng GMA Heart of Asia ngayong February, ang The Romantic Doctor 2.

 

 

Ngayong Monday, February 8 na magsisimulang mapanood ang medical K-drama na puno ng aral tungkol sa love, friendship at laban para sa propesyon at prinsipyo sa multi-awarded Korean series na The Romantic Doctor 2 sa GMA Network.

 

 

Tampok sa serye ang panibagong journey ng mahusay na surgeon na si Dr Daniel Boo (Han Suk-kyu) na mas kilala sa tawag na Master Kim. Dahil nangangailangan ang pinagtatrabahuhan niyang ospital sa Doldam Hospital ng general surgeon, nagtungo siya sa Geosan University Hospital sa Seoul para mag-recruit.

 

 

Nakilala niya roon sina Dr. Wesley Seo (Ahn Hyo-seop) at ang cardiac surgeon na si Dr. Emily Cha (Lee Sung-kyung).  May pagkukulang man sila, napili pa rin ni Master Kim ang dalawa para magtrabaho sa kanilang hospital.

 

 

Mapapanood ang The Romantic Doctor 2 sa GMA Telebabad, pagkatapos ng My Korean Jagiya. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • DOTr: Mga empleyado ng rail lines sumailalim sa antigen test

    Inihayag ng Department of Transportation (DOTr) na may 345 na empleyado ng mga rail lines ang sumailalim sa antigen testing at nagpositibo matapos ang ginawang testing.     Nagpositibo rin ang may 56 na empleyado matapos na sila ay sumaillaim naman sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR tests).     May kabuohang 1,709 na […]

  • Pangako ni PBBM, paglago ng industriya ng bigas sa Pinas, titiyakin

    TITIYAKIN ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  ang paglago ng industriya ng bigas sa Pilipinas.     Bukod dito, sisiguraduuhin din niya na protektado  ang kapakanan ng mga lokal na magsasaka.     Nauna rito,  ipinresenta ng mga scientists  o siyentipiko mula sa  International Rice Research Institute (IRRI) kay Pangulong Marcos ang “identified genes” para sa […]

  • Ads April 25, 2023