Kelot dinampot sa baril at pagbabanta sa kapitbahay sa Malabon
- Published on May 2, 2023
- by @peoplesbalita
SHOOT sa selda ang isang lalaki matapos tutukan ng baril at pagbantaan ang isa sa grupo ng magkakamag-anak na nag-iinuman at nagkakantahan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Sa ulat, masayang nag-iinuman at nagkakantahan ang magkakamag-anak na pawang residente ng 94 F. Flovi 6, Brgy. Tonsuya nang puntahan sila ng matandang lalaking kapitbahay dakong alas-12:53 ng madaling araw at pinagsabihang tumigil na sa pagkanta dahil nakakabulahaw na sila sa mga natutulog.
Bilang paggalang, tumigil na sa pagkanta ang magkaka-anak subalit ilang saglit lang ay sumugod ang anak ng matandang kapitbahay na nakilalang si Ryan Obado, 39, na armado ng kalibre. 22 na baril at tinutukan ang biktimang si Jogie Mabasa, 27, kasabay ng pagsigaw ng katagang “Anong oras na, tumigil na kayo marami ng natutulog,”
Nang makatiyempo si Mabasa, nakipag-agawan na siya sa hawak na baril ng suspek at dito na tumulong ang pamangkin ng biktima na si Junriel Navea hanggang makuha ng huli ang armas.
Nang dumating ang mga nagrespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5, inaresto nila ang suspek habang isinuko naman ni Navea ang naagaw na baril na may kargang limang bala.
Ayon kina police investigators PSSg Bengie Nalogoc at PCpl Marlon Renz Baniqued, kasong Grave Threat at paglabag sa R. A. 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition ang isasampa nila laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
Navotas Greenzone Park Phase 3
PINANGUNAHAN nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Atty. Romando Artes, acting MMDA chairperson ang inagurasyon at pagbabasbas ng bagong bukas na Navotas Greenzone Park Phase 3 na matatagpuan R10, Brgy. North Bay Blvd. North. Ang parke ay isa sa mga Adopt-a-Park projects ng Metro Manila Development Authority (MMDA). (Richard Mesa)
-
PBBM, nangako ng 6M housing units sa pagtatapos ng kanyang termino
NANGAKO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtatayo ang kanyang administrasyon sa pamamagitan ng “National Pabahay Para sa Pilipino Housing” (4PH) ng 1 milyon na housing units kada taon o 6 million units sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028. “Layunin po ng programang ito na makapagpatayo ng isang milyong pabahay sa […]
-
Tinupad ang pangakong fully committed sa pagiging mistress at kontrabida: LIANNE, na-single out ni Direk LAURICE sa mahusay na pagganap
IKINATUWA ng award-winning director na si Laurice Guillen ang mahusay na performance ng buong cast ng GMA teleserye na Apoy Sa Langit. Na-single out ni Direk Laurice ang pagganap bilang Stella ng Kapuso actress na si Lianne Valentin. Tinupad daw nito ang pangako na fully committed siya sa kanyang role bilang isang […]