• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot isinelda sa baril sa Caloocan

HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa bisa ng ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Eduardo Ocampo Jr alyas “Jun Tattoo” ng Block 25, Lot 24 Madrid Street Tierra Nova, Phase 2 Barangay 171 Caloocan City.

 

 

Sa kanyang ulat kay kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Calooccan Police Sub Station 9 na illegal na nag-iingat umano ng baril ang suspek.

 

 

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Hon. Raymundo G. Vallega, Executive Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 130, Caloocan City para sa paglabag sa Section 28 (a) of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) ay hinalughog ng mga tauhan ng SS9 sa pangunguna ni P/Major Jose Hizon ang loob ng bahay ng suspek dakong alas-4:40 ng hapon.

 

 

Nakumpiska ng mga pulis sa loob ng kanyang bahay ang isang cal. 38 revolver na kargado ng isang bala at nang hanapan siya ng kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng nasabing baril ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang arestuhin siya.

 

 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act).

 

 

Pinuri naman ni NCRPO Director, P/MGen Edgar Alan Okubo ang Caloocan police sa kanilang pagsisikap para labanan ang iligal na pag-aari at kalakalan ng mga baril. (Richard Mesa)

Other News
  • Aftershocks asahan pa kasunod ng magnitude 7.0 quake sa Abra – Phivolcs

    NAGBABALA ang Phivolcs sa mga lugar sa lalawigan ng Abra at iba pang kalapit na lugar na asahan pa ang serye ng aftershocks matapos na tumama kanina ang 7.0 magnitude na lindol.     Una rito, nairehistro sa mga instrumento ng Phivolcs ang sentro ng malakas na lindol sa tatlong kilometro ang layo mula sa […]

  • 4 drug suspects kalaboso sa P190K droga sa Caloocan

    HALOS P.2 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.     Sa nakarating na report kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, habang nagpapatrulya ang mga tauhah ng Cadena De Amor Police Sub-Station sa Robes 1, Brgy. 175 dakong […]

  • BILLY, umaming ‘walang tulugan’ sa pag-aalaga sa baby nila ni COLEEN

    SA rami ng shows na naging host si Billy Crawford ay malaki raw ang pagkakaiba nitong The Masked Singer dahil pawang performers ang contes- tants na hindi niya kilala, kaya pati siya ay makikihula kung sinu-sino sila at iyon ang magpapa-excite sa kanya.   Tsika ni Billy sa ginanap na virtual mediacon ng Philippine adaptation […]