• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot isinelda sa baril sa Caloocan

BAGSAK sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki matapos mahulihan ng baril sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Jeffrey Gumaru, 37 ng Brgy. 118 ng lungsod.

 

 

 

Sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 2 ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Capt. Romel Caburog sa  3rd Avenue, Brgy. 118 dakong alas-3 ng madaling araw nang mapansin nila ang suspek na kahina-hinala habang gumagala sa nasabing lugar.

 

 

 

Nang lapitan ng mga pulis para beripikahin ang kanyang pagkakilanlan ay tinangkang umiwas at tumakas ng suspek subalit, naaresto din siya kalaunan ng mga parak.

 

 

 

 

Nang kapkapan, nakumpiska sa kanya ang isang cal. 38 revolver na may isang bala at nang hanapan ng kaukulang mga dokumento para sa nasabing baril ay walang maipakita ang suspek.

 

 

 

 

Kasong paglabag sa Article 151 of RPC (Disobedience of Person in Authority and His Agent) of RPC, and Violation of RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions) ang isasampa ng pulisya kontra sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Jesus; Matthew 6:34

    Do not worry about tomorrow.

  • Jarencio positibo sa pilay na Batang Pier

    WALANG sablay ang NorthPort sa playoffs sa nakalipas na taon, pinakamataas na placing ang No. 2 sa midseason Commissioner’s Cup pero dalawang beses nilango ng San Miguel Beer sa quarterfinals.   Pinakamataas na tinapos ng Batang Pier ang semifinals sa season-ending Governors Cup pero milasing din ng Barangay Ginebra San Miguel sa best-of-five. Sa pagpalaot […]

  • DOTr nagbabala sa mga opisyales ng rail lines sa nagbabantang “beep” cardshortage

    NAGBIGAY  ng babala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga opisyales ng rail lines na magkaroon ng alternatibong paraan dahil sa nagbabantang kakulangan ng mga  beep  cards sa Metro  Rail  Transit Line 3   (MRT3), Light Rail  Transit Line 1(LRT1) at Light Rail Transit Line 2 (LRT 1).     Ito ay matapos hindi nakapag-deliver ang […]