• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot itinumba sa Malabon

ISANG lalaki na hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang namatay matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Jerome Josue, 27 ng 64 Damson St. Brgy. Dampalit.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng dalawang saksi na sina Mark Anthony Aleta, 27 ng Brgy. 8 Caloocan City at Marlon Bocabo, 29 ng Letre Road, Tonsuya, Malabon City, naganap ang insidente dakong alas-8:20 ng gabi sa kahabaan ng Damson Street.

 

 

Galing sa pagbibisikleta ang dalawang saksi at nagpahinga sa naturang lugar nang makita nila ang biktima, kasama ang dalawang suspek na naglalakad patungo sa lugar ng pangisdaan. Nagsalita pa ang biktima sa mga saksi na tinutugis nila ang illegal na nangingisda sa lugar.

 

 

Ilang minuto ang nakalipas, nakarinig ng putok ng baril ang mga saksi at nakita nila ang dalawang lalaki na tumatakbo patungong Bautista St., Brgy. Dampalit habang naiwan ang nakahandusay na katawan ng biktima.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa foil at patalim mula sa biktima.

 

 

Ani Col. Barot, patuloy ang follow up operation ng kanyang mga tauhan para sa posibleng pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM nagtalaga ng bagong mga hepe ng AFP, PNP at NBI Director

    OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Lt. Gen. Bartolome Vicente O. Bacarro, commander ng  Armed Forces the Philippines – Southern Luzon Command bilang bagong AFP chief of staff.     “The change of command for the new AFP chief of staff will be on August 8. This will give time for Gen. […]

  • LIQUOR BAN, INALIS NA SA NAVOTAS

    MAKARAANG ibaba sa alert level 3 ang Metro Manila, tinanggal na ng Pamahalaang Lokal ng Navotas ang liquor ban sa lungsod kasabay ng pagbaba ng mga kaso ng Covid-19.     Sa bisa ng City Ordinance No. 2021-56 na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Navotas at pinirmahan ni Mayor Toby Tiangco ay ipinawalang-bisa na ang […]

  • PBBM, maaaring payagan ang rice imports sa mas mababang tariff rate sa ilalim ng bagong Agri law

    MALAKI ang posibilidad na payagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-angkat ng bigas sa mas mababang       Ini-apply na tariff rate sa panahon ng anumang nalalapit o hinuhulaang kakapusan o anumang sitwasyon na nangangailangan ng interbensyon ng gobyerno.       Ito ang nakapaloob sa Republic Act No. 120278 o Amendments to […]