• April 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot itinumba sa Malabon

ISANG lalaki na hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang namatay matapos barilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo si Jerome Josue, 27 ng 64 Damson St. Brgy. Dampalit.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng dalawang saksi na sina Mark Anthony Aleta, 27 ng Brgy. 8 Caloocan City at Marlon Bocabo, 29 ng Letre Road, Tonsuya, Malabon City, naganap ang insidente dakong alas-8:20 ng gabi sa kahabaan ng Damson Street.

 

 

Galing sa pagbibisikleta ang dalawang saksi at nagpahinga sa naturang lugar nang makita nila ang biktima, kasama ang dalawang suspek na naglalakad patungo sa lugar ng pangisdaan. Nagsalita pa ang biktima sa mga saksi na tinutugis nila ang illegal na nangingisda sa lugar.

 

 

Ilang minuto ang nakalipas, nakarinig ng putok ng baril ang mga saksi at nakita nila ang dalawang lalaki na tumatakbo patungong Bautista St., Brgy. Dampalit habang naiwan ang nakahandusay na katawan ng biktima.

 

 

Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng SOCO sa crime scene ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa foil at patalim mula sa biktima.

 

 

Ani Col. Barot, patuloy ang follow up operation ng kanyang mga tauhan para sa posibleng pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • NKTI emergency room, nasa full capacity na!

    PINAYUHAN ng pamunuan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang publiko na humanap na muna ng ibang pagamutan matapos na umabot na sa full capacity ang kanilang emergency room.     Sa isang advisory na pirmado ni Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, ng NKTI punung-puno na ang pagamutan  ng mga dialysis,   leptospirosis at COVID-19  patients. […]

  • Pastor Apollo Quiboloy nasa wanted list na ng FBI

    NASA wanted list na ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Kingdom of Jesus Christ (KJC) founder at pastor Apollo Carreon Quiboloy at dalawang miyembro ng simbahan.     Sa inilabas na wanted poster ng FBI, makikita ang larawan ni Quiboloy, Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag.     Nahaharap kasi sa kaso si Quiboloy […]

  • SUSPEK SA PAGPATAY SA DLSU STUDENT, KILALA NA

    KILALA na ng Cavite police ang suspek sa pagpatay sa isang Graduating student ng De La Salle University (DLSU) Dasmariñas  na natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang dormitory sa Dasmariñas City Cavite noong Marso 28, 2023.     Kinilala ni PLt Coronel Jose Oruga Jr, Hepe ng Dasmarinas City Police ang suspek na […]