Kelot, kalaboso sa bakal sa Caloocan
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
SHOOT sa kulungan ang isang lalaki matapos inguso sa pulisya na may bitbit na bakal habang gumagala sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Mahaharap ang suspek na si alyas “Dagul”, 25, sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at B.P. 881 (Omnibus Election Code of the Philippines).
Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Ecille Canals hinggil sa isang lalaki na gumagala habang may bitbit umanong baril na nagdulot ng pangamba sa mga residente sa Morning Star St., Brgy. 178.
Agad namang remesponde sa lugar ang mga tauhan ni Col. Canals kung saan naabutan nila ang suspek na hawak umanong baril na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong alas-3:40 ng madaling araw.
Nakumpiska kay alyas Dagul ang isang kalibre .9mm revolver na kargado ng limang bala at walang kaukulang mga dokumento habang inaalam pa ng pulisya kung nasangkot na ang suspek sa illegal na mga gawain.
Pinuri ni P/Col. Josefino Ligan, Acting District Director of the Northern Police District (NPD) ang mabilis at epektibong pagkilos ng mga tauhan ng Caloocan police. “This operation demonstrates our unwavering commitment to public safety, especially during the election period,” ani Ligan. (Richard Mesa)
-
10-M subscriber: Ivana, ‘timeout’ sa sexy image nang mamigay ng Christmas package
Tila ginulat ni Ivana Alawi ang publiko kahit ‘yaong mga fans niya matapos ang pansamantalang pag-awat sa kanyang sexy image. Ito’y matapos mag-celebrate sa pamamagitan ng pamamahagi ng ayuda sa mga kapus-palad, mahigit isang buwan mula nang makahakot ng 10 million subscriber sa kanyang YouTube channel. Taliwas kasi sa nakagawiang pagsusuot ng mga […]
-
‘A Haunting In Venice,’ Needs To Make At Least $140M To Succeed At The Box Office
Disney and 20th Century have not officially announced how much it cost to make A Haunting in Venice. This leaves room for estimates and comparison to previous installments to try and deduce its budget. It is possible that A Haunting in Venice carries a $70 million budget. When the franchise began in 2017, […]
-
‘Sa amin na ang momentum sa Game 3’ – Lakers
Lalo raw lumakas ngayon ang loob ng Los Angeles Lakers sa kanilang kampanya sa first round ng NBA playoffs matapos na maitabla na ang serye laban sa Phoenix Suns sa iskor na 109-102. Ayon kay NBA superstar LeBron James, tiyak na mababaliktad na umano ang momentum lalo na sa susunod na Game 3 […]