• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot kalaboso sa pambabastos at tangkang panunuhol sa pulis at biktima

ISINELDA ang isang kelot matapos tangkain suhulan ang mga pulis at biktima nang maaresto sa entrapment operation dahil sa pambabastos sa 19-anyos na senior high school student sa Navotas City, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 11312 of the Safe Spaces Act at attempted corruption of public official ang naarestong suspek na kinilala bilang si Jaymart Como, 26, batilyo ng 155 Angeles St. Brgy. San Roque.

 

 

Sa kanyang report kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, sinabi ni PSMS Felbie Lim Puda na dakong alas-9:56 ng Lunes ng gabi, habang sakay ang suspek sa isang motorsiklo ay nilapitan nito ang biktima na itinago sa pangalang “Alyana” na papunta sa bahay ng kanyang kapatid na lalaki at nagtanong kung saan ang papuntang Kapitbahayan area saka nagpakilala bilang si “Jason”.

 

 

Itinuro ng biktima ang direksyon at dahil wala siyang nakitang masamang balak nang hiningi ng lalaki ang kanyang cellphone number para may matawagan sakaling hindi mahanap ang lugar ay ibinigay naman niya ito.

 

 

Ilang sandali pa ay nakatanggap ng tawag ang biktima mula kay Como, ngunit laking gulat niya nang tanungin siya ng suspek kung virgin pa ba siya, na sinundan pa ng mga masasama at bastos nasalita na naging dahilan upang i-record ng dalaga ang kanilang pag-uusap.

 

 

Nang hilingin ni Como sa dalaga na makipagkita sa kanya sa harap ng Kapitbahayan Elementary School ay pumayag ito, ngunit bago pumunta sa lugar ay humingi muna ng tulong ang biktima sa barangay tanod ng Brgy. NBBS Kaunlaran at kay P/SSgt. Mar Arrobang ng Kaunlaran Police Station na agad nagkasa ng entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek alas-2:03 ng madaling araw.

 

 

Tinangka pang suhulan ni Como ang biktima at ang umaarestong pulis sa pamamagitan ng pag-alok sa kanila ng P20,000.00 at P50,000.00 kapalit ng kanyang kalayaan nito subalit, nabigo siya.

 

 

Narekober ng pulisya sa suspek ang P70,650.00 cash, peso coins sa magkakaibang denominations, company ID, driver’s license, mobile phone ay bullcup. (Richard Mesa)

Other News
  • After na mag-post sa IG ang Vice Governor: KRIS, nilinaw na ‘best male friend’ niya si MARK at ‘di karelasyon

    AGAD na nilinaw ng aktres at TV host na si Kris Aquino kung ano na ang namamagitang relasyon sa kanila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.     Sa kanyang comment sa Instagram post ni Mark noong Miyerkules, ipinagdiinan ni Kris na hindi sila, “I appreciate all your effort (through the years) BUT please clarify that we […]

  • P200 monthly aid sa gitna ng tumaas na presyo ng langis, hindi sapat-VP bets

    HINDI sapat ang P200 month aid na ibibigay ng pamahalaan sa mga mahihirap na pamilyang Filipino sa panahon nang patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.     Dapat din na suspendihin ang excise tax sa fuel products.     Sa idinaos na debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec), karamihan kasi sa […]

  • NLEx Harbor Link Malabon exit, posibleng buksan sa Peb. 21- Villar

    Nakikita ang posibilidad na buksan ang Malabon exit ng North Luzon Expressway (NLEx) Harbor Link C3-R10 section sa kahabaan ng Dagat-Dagatan Avenue sa Pebrero 21 matapos pabilisin ang konstruksyon nito, ayon kay Public Works Secretary Mark Villar.   Nagsagawa ng huling inspeksyon si Villar kasama ang mga opisyal ng NLEX Corp. sa C3 hanggang Dagat-Dagatan […]