• April 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot, kulong sa pagbinta ng shabu sa pulis sa Valenzuela

KALABOSO ang 39-anyos na lalaki na sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga nang pagbintahan umano ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, sinabi ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Capt. Joan Dorado na isinagawa nila ang buy bust operation nang magawa ng isa sa kanyang mga tauhan na makipagtransaksyon kay alyas “Jek-Jek” na taga-Caloocan City.

Nang matanggap ang signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga sa kanilang target, agad lumapit ang back up na operatiba saka dinamba ang suspek dakong alas-11:00 ng gabi sa 3rd St. beside Andoks Manok, Brgy. Marulas.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 31 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P210,800, buy bust money na isaang P500 bill at 14-pirasong P500 boodle money at P200 recovered money.

Ani PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

Pinapurihan ni NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap at didekasyon sa paglaban sa ilegal na droga. (Richard Mesa)

Other News
  • Death toll sa hagupit ng bagyong Enteng sa PH, sumampa na sa 13 – OCD

      SUMAMPA na sa 13 katao ang napaulat na nasawi dahil sa hagupit ng bagyong Enteng.     Ayon kay Office of the Civil Defense spokesperson Edgar Posadas, kasalukuyang biniberipika pa ang mga napaulat na nasawi kung saan 8 dito ay mula sa lalawigan ng Rizal partikular sa Antipolo city kasunod ng mga insidente ng […]

  • Tickets sa US Open tennis nagkakaubusan matapos ang anunsiyong pagreretiro ni Serena Williams

    DUMAMI ang bumili ng tickets ng US Open tennis ilang oras matapos ang anunsiyo ni US Tennis star Serena Williams ng kanyang napipintong pagreretiro sa laro.     Ayon sa StubHub ang ticket retailers na tuwing may mga manlalaro na nag-anunsiyo ng kanilang retirement ay mabilis na nauubos ang mga tickets.     Matapos kasi […]

  • Hidilyn, Caloy, Alex, at EJ, mga kandidato para sa PSA Athlete of the Year award

    SA dami ng mga premyadong atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa sa taong 2022 ay walang itulak kabigin ang Philippine Sportswriters Association (PSA) kung sino sa mga nasa listahan ang dapat na tanghaling Athlete of the Year.   Ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo, ang world-ranked pole vaulter na si EJ Obiena, […]