• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot na nagwala habang may bitbit na baril sa Valenzuela, timbog

BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki nang damputin ng pulisya matapos maghasik ng takot makaraang magwala habang may bitbit na baril sa Valenzuela City.

 

 

Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 151 of RPC at RA 10591 o ang Comprehensive Frirearms and Ammunation Regulation Act ang naarestong suspek na si alyas “Aries”, 25, at residente ng Bulacan.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen ang mga tauhan ng Detective Management Unit (DMU) ng Valenzuela police hinggil sa isang lalaki na nagwawala at may bitbit umanong baril sa Alley ng Flaviano St., Brgy, Karuhatan.

 

 

Kaagad namang rumesponde sa nasabing lugar ang mga tauhan ng DMU kung saan nakita nila ang suspek na may hawak na baril at gumagawa ng kaguluhan na nakaisturbo at nagdala ng takot sa mga residente sa lugar.

 

 

Gayunman, nang mapansin ng suspek ang kanilang presensya ay agad nitong sinukbit sa kanyang baywang ang hawak na baril subalit, hindi na siya nakapalag nang sunggaban ng mga pulis dakong alas-4:20 ng madaling araw.

 

 

Nakumpiska sa kanya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala kung saan nang hanapan siya ng papeles hinggil sa ligaledad ng naturang baril ay walang naipakita ang suspek. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagbisita ni US VP Kamala Harris sa bansa, lalong magpapatatag sa Phil-US relations – Speaker Romualdez

    NANINIWALA  si House Speaker Martin Romualdez na lalo pang lalakas ang relasyon ng Amerika at Pilipinas sa pagbisita sa bansa ni US Vice President Kamala Harris.     Ayon kay Speaker, patunay din ito sa matagal nang alyansa at pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos kabilang na ang commitment ng US sa pagdepensa sa Pilipinas. […]

  • AIRLINES PINAALALAHANAN, TANGING DOKUMENTADONG PASAHERO ANG ISASAKAY

    NAGPAALALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente sa mga airlines na siguraduhin na tanging mga karapat-dapat na mga dayuhan ang papayagang sumakay sa kanila patungo sa Pilipinas     Sinabi ni Morente na responsibilidad ng isang airlines na siguraduhin na ang mga karapat-dapat na mga dayuhan lamang   ang pasasakayin at makapasok sa bansa […]

  • NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong pinansyal sa 3,832 rehistradong mangingisda mga driver ng tricycle de padyak at de motor

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng tulong pinansyal sa 3,832 rehistradong mangingisda at mga driver ng tricycle de padyak at de motor kung saan nakakuha ang mga ito ng P3,000 cash subsidy mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development sa pakikipagtulungan ni Mayor John […]