Kelot na wanted sa carnapping, nadakma ng Valenzuela police
- Published on November 19, 2024
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang isang lalaki na wanted sa kasong carnapping matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Brgy. Dalandanan ang presensya ng 29-anyos na akusado na residente ng Bulacan.
Agad inatasan ni Col. Cayaban ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS6) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Doddie Aguirre na bumuo ng team para sa isasagawang pag-aresto sa akusado.
Kasama ang mga tauhan ni P/Major Randy Llanderal, hepe ng Station Intelligence Section (SIS), dinakip ng mg tauhan ng SS6 ang akusado dakong alas-9:30 ng umaga sa 3S Dalandanan, Barangay Dalandanan.
Ang akusado at inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Snooky Maria Ana Bareno Sagayo ng Regional Trial Court Branch 283, Valenzuela City na may petsang November 11, 2024, para sa kasong New Anti-Carnapping Act of 2016 (R.A. 10883) Carnapping.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na operation kontra wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)
-
PBBM, sa usapan ukol sa pagtanggap ng Afghans sa Pinas: May progreso pero may balakid
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon ng progreso sa isinagawang pag-uusap ukol sa kung papayagan ng pamahalaan na pansamantalang manatili sa Pilipinas ang mga Afghan nationals gaya ng naging kahilingan ng Estados Unidos. Sinabi ng Pangulo na walang deadline sa pagdesisyon sa usaping ito. Aniya, nagpapatuloy ang konsultasyon sa […]
-
Runway banderang tapos!
PINASINGHOT ng alikabok ni Runway ang mga karibal sa banderang tapos niyang pamamayagpag sa kakahagibis na Philippine Racing Commission Lakambini Stakes Race sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Nirendahan ni class A rider MM Gonzales ang tumawid sa metang kabayo sa tiyempong isang minuto’t 40 segundo sa 1,600-metrong hagaran at nagkaloob sa may […]
-
10th Anniversary, naganap sa bonggang events place ni Tei: ODETTE, CHANDA, SHERYL at CELIA, ilan sa nakatanggap ng Artist Circle’s ‘Dekada Award’
NAGANAP ang engrandeng 10th Anniversay party ng Artist Circle noong May 11, 2022 sa bonggang Aquila Crystal Tagaytay Events sa Tagaytay City. Pag-aari ito ng newest artist ng Artist Circle si Tei Endencia, at ayon sa founder/manager na si Rams David, na-meet niya ang event specialist dahil kay Wilma Doesnt na isa rin […]