• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kelot nahulog sa bubong, patay

Todas ang isang 24-anyos na lalaki matapos mahulog mula sa bubong ng isang warehouse makaraang tumilapon nang sumabog ang transformer sa poste ng meralco sa Malabon city, kahapon ng umaga.

 

 

Kinilala ang nasawing biktima na si Jonathan Constantino, 24, plumbing at residinte ng No.212 B. Enriquez St., Brgy. Panghulo, Ubando Bulacan.

 

 

Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Jovirth Labaton , 25, ng No.212 B. Enriquez St., Brgy. Panghulo, Ubando Bulacan na dakong 8:45 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Unican Compound No. 202 Gov. Pascual Ave., Brgy. Catmon, Malabon City.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, umakyat ang biktima at kanyang dalawang ka-trabaho sa bubong ng warehouse kung saan sila nagtatrabaho sa loob ng naturang Compound.

 

 

Matapos nito, bigla na lamang sumabog ang transfornmer sa poste ng meralco na naging dahilan upang tumilapon ang biktima dahil sa malakas na boltahe at mahulog mula sa bubong na nagresulta ng kanyang kamatayan.

 

 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • Takot at nanginginig nang magpa-root canal: SHARON, aminadong hindi matapang pagdating sa mga dentista

    SA Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta, shinare niya ang isang video last March 8 habang nasa sa dental chair at bago sa gagawing treatment na labis niyang ikinatatakot.     Caption ni Mega, “Please pray for me. Am about to get a root canal now.”     Say pa ni Sharon one-minute videro, “Hi, […]

  • MMDA naniniwalang hindi kailangang ipatupad ang curfew sa NCR

    NANINIWALA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi na kailangang ipatupad ang curfew sa National Capital Region (NCR).     Sinabi ni Abalos na ito ay dahil sa ang mga residente naman ng Metro Manila ay “self-regulating” sa gitna ng surge ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).     Paliwanag niya, dahil […]

  • Kate Beckinsale’s Electrifying Return To Action Reveals In First ‘Jolt’ Trailer

    AMAZON Studios has just released the official trailer for Jolt, a new action film starring Kate Beckinsale.      The trailer is witty and colorful, feeling like a cross between Atomic Blonde and Crank. It begins with Lindy, portrayed by Beckinsale, explaining that she has a condition that “makes her snap” while she sits on a train and begins to […]