• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KELOT NALAMBAT SA P4.7M SHABU SA NAVOTAS

ISANG hinihinalang tulak ng iligal na droga ang arestado matapos makuhanan ng tinatayang nasa P4.7 milyon halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Saipoden Guinal, alyas “Saipo”, 31 ng RM 16 4th FLR, New Barter Trade., Brgy. 383 Quiapo, Manila.

 

 

Sa report ni Col. Ollaging kay Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, alas-8:07 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez, kasama ang Station Intelligence Section sa pangunguna ni PLT Luis Rufo ng buy-bust operation kontra sa suspek sa kahabaan ng C4 Road., Brgy. BBN.

 

 

Nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P39,000 halaga ng droga ng isang undercover police na nagpanggap na buyer.

 

 

Matapos tanggapin ni Guinal ang markadong salapi mula sa poseur-buyer kapalit ng shabu ay agad lumapit ang back up na operatiba saka sinunggaban ang suspek.

 

 

Nasamsam sa suspek ang tinatayang nasa 700 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P4,760,000 at buy bust money na binubuo ng 4 na tunay na P1000 bills at 35 pirasong P1000 boodle money.

 

 

Kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Navotas City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Halos 15-K vehicles, nadagdag sa mga lansangan ng NCR nang mag-umpisa ang Disyembre – MMDA

    INIULAT ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagkakadagdag ng 10,000 hanggang 15,000 na mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila, simula nag-umpisa ang buwan ng Disyembre batay sa regular monitoring ng ahensiya.     Ayon kay MMDA Traffic Enforcement Group Director Victor Nuñez, ito ang pangunahing dahilan ng mga traffic buildup sa iba’t-ibang mga […]

  • DepEd: Class disruptions dahil sa bagyo, 35 na

    NAGPATAWAG ng pulong si Education Secretary Sonny Angara, kasama ang National Management Committee (ManComm) upang humanap ng mga pamamaraan para masolusyunan ang learning losses sa mga paaralan dahil sa mga kanselasyon ng klase dahil sa mga bagyo.   Sa datos ng DepEd, para sa kasalukuyang school year, nakapagtala na ang Cordillera Administrative Region (CAR) ng […]

  • Bukod sa pagsulong kina Vice Ganda at Angel… DINGDONG, pasok na sa survey na puwedeng tumakbong Senador

    MULI ngang lumitaw ang posibilidad daw na pagtakbo bilang Senador ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa darating na mid-term elections sa 2025.       Tuloy-tuloy pa rin kasi ang pagtulong ni Dingdong at ng asawa nitong si Marian Rivera lalo na nung katatapos na mga nasalanta ng Habagat at Bagyong Carina, na […]