KELOT TIMBOG SA MARIJUANA
- Published on January 18, 2021
- by @peoplesbalita
Arestado ang isang 28-anyos na lalaki matapos mabisto ang dalang marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at Art 151 ang suspek na si Kendrick Dolar, ng 1233 Medina St. Brgy. Gen. T. De Leon.
Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSSg Carlos Erasquin Jr, alas-12:10 ng tanghali, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Sub-Station 2 sa kahabaan ng Bitik, Medina St. Brgy. Gen. T. De Leon nang sitahin ni PCpl Alfonso Hementera ang suspek na sakay ng bisikleta dahil walang suot na face mask.
Gayunman, hindi nakipagtulungan at pumalag pa ang suspek sa mga pulis na naging dahilan upang arestuhin ito at nang kapkapan ni PSSg Alvaro Vargas ay nakuha sa kanya ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P600,00 ang halaga, glass pipe na may laman ng sunog na marijuana at disposable lighter. (Richard Mesa)
-
NAVOTAS NAGSAGAWA NG MEGA JOB FAIR, NAMAHAGI NG CASH ASSISTANCE
BILANG bahagi ng ika-17th cityhood anniversary celebration, ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay nag-alok ng job opportunities, support small businesses, at nagbigay ng essential relief sa mga apektado ng kalamidad. Itinampok sa Mega Job Fair, na inorganisa ng City Public Employment Service Office (PESO), ang 50 partner companies na nag-aalok ng mahigit […]
-
NAKAPAG-GENERATE ng $23.6 billion na investment pledges ang foreign visits ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong taon.
Tinukoy ang accomplishment report ng Department of Trade and Industry (DTI), ang state visits ni Pangulong Marcos sa Indonesia at Singapore, ang kanyang working visit sa Estados Unidos at maging ang kanyang naging partisipasyon sa ASEAN Summit sa Cambodia at APEC sa Thailand “brought billions of pesos in investments as the administration gears toward aggressively […]
-
Kasama sa OST ng ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’: “Sasabihin Ko Na” ni WILBERT, siya rin pala ang nagsulat
ANG newest digital series ng Puregold Channel, Ang Lalaki sa Likod ng Profile, ay patuloy na humahatak sa mga manonood na may hindi maikakailang chemistry sa pagitan ng mga bida na sina Bryce (Wilbert Ross) at Angge (Yukii Takahashi), ang retailtainment pioneer ay nagpapalakas ng kilig sa karanasan sa serye. Iniimbitahan na ngayon ng […]