• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KELVIN, natupad na ang matagal nang pangarap na magka-billboard sa EDSA

NATUPAD ang matagal nang pangarap ng The Lost Recipe star na si Kelvin Miranda na magkaroon ng malaking billboard sa EDSA.

 

 

Si Kelvin ang latest endorser ng isang kilalang clothing at lifestyle brand.

 

 

Inamin ni Kelvin na bata pa lang siya ay curious na siya kung ano ang pakiramdam na magkaroon ng billboard.

 

 

“Iniisip ko kung ano’ng pakiramdam na magkaroon ng billboard at nasagot lamang ang katanungan na ‘yun gawa nitong billboard sa Bench. 

 

 

“Kakaiba ‘yung pakiramdam dahil namangha ako sa sarili nang makita ko sa EDSA ‘yung billboard ko,” sey ni Kelvin.

 

 

Patuloy namang namamayagpag sa ratings at sa social media ang The Lost Recipe kung saan kasama niya si Mikee Quintos sa GTV.

 

 

***

 

 

ISA sa pinangako ni Joaquin “JD” Domagoso sa kanyang amang si Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno ay hindi niya pababayaan ang pag-aaral niya kahit na busy siya sa GMA teleserye na First Yaya.

 

 

Kasalukuyang second year college si JD taking up business entrepreneurship.

 

 

“Entering showbiz basta ‘wag ko lang kalimutan ‘yung studies ko and pag-aaral kasi sa papa ko ‘yun lang ‘yung pinaka-importanteng bagay.

 

 

“He was always working and he always wanted a better education and now that he has the ability to give that to me and parang gusto ko mag-showbiz, nagkaka-conflicting. But as long as I do both properly ok lang sa kanya,” sey ni JD sa Zoom medicon kamakailan.

 

 

Hindi raw siya pinilit ni Yorme na nag-showbiz. Si JD mismo ang may gusto dahil may interes siya sa naging mundo noon ng ama niya.

 

 

“Talagang my dad didn’t tell me to do it or wala naman nag-force sa ‘kin. I just wanted to cause I know my attitude eh pabibo nga po talaga ako and I saw na this is a good outlet,” sey niya.

 

 

Si Cassy Legaspi ang ka-loveteam ni JD sa First Yaya at kinikilig ang dalawa tuwing tinatanong sila sa kanilang mga eksena sa una nilang teleserye sa GMA-7.

 

 

***

 

 

NILAGAY na sa formal investigation ang French actor na si Gerard Depardieu on charges of rape and sexual violence noong nakaraang December 2020.

 

 

Kaso pa ito ng aktor noong 2018 nang aksuhan siya ng isang 22-year old actress ng rape and sexual assault.

 

 

Ayon sa lawyer ng 73-year-old actor na Hervé Temime,  na-drop na yung rape allegations noong 2019 “citing insufficient evidence.”

 

 

“I have strong elements to show that no offense took place and that the offense was the opposite of Depardieu’s personality,” dagdag pa no Temime.

 

 

Inamin ng aktor na kilala niya yung babaeng kinasuhan siya ng rape, pero never daw silang nag-date.

 

 

Isa sa sikat na aktor ng French cinema si Depardieu simula pa noong gawin niya ang pelikulang Going Places in 1974. In 1990, nanalo ng Golden Globe best actor si Depardieu para sa American romantic-comedy na Green Card in 1990.

 

 

Nanalo naman siya ng best actor sa Cannes International Film Festival for Cyrano de Bergerac in 1990 at nakakuha rin siya ng best actor nomination sa Academy Awards for the same film.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Navotas Mayor-elect pushes SMC megaproject

    TINIYAK ni Navotas City mayor-elect Congressman John Rey Tiangco na mas maraming Navotenos ang makikinabang sa usapin sa trabaho mula sa mega-project ng San Miguel Corporation (SMC) na kinasasangkutan ng integrated expressway patungo sa new international airport sa Bulacan, Bulacan.     Ani Tiangco, ang city council ay nagpasa na ng isang ordinansa bilang pag-asam […]

  • Espiritu aminadong umaalingasaw trade

    INAMIN ng tatlong agent-manager ng mga player na bukas lahat ang 12 team sa mga palitan ng mga manlalaro bilang pagpapalakas para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.   Nagkakaisa sa pahayag sina veteran agent-manager Danny Espiritu, Charlie Dy, at Ed Fonceja ,na anila’y lahat ng mga […]

  • Tinamaan din ang mag-inang Jennylyn at Dylan: DENNIS, idinaan sa pagkanta nang magka-COVID

    SA mga nagsasabing wala ng pandemic, na wala ng COVID-19 virus, mag-isip-isip kayo.     Matapos magkumpirma na tinamaan muli ng mapaminsalang virus si Pangulong Bongbong Marcos at Pasig City Mayor Vico Sotto, heto at sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado naman ang nagka-COVID.     Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay ikinanta ni […]