• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KEN at RITA, parehong nag-positive kaya nahinto ang lock-in taping ng ‘Ang Dalawang Ikaw’ at naantala ang airing

TODAY, June 21, ang world premiere ng Ang Dalawang Ikaw, a progressive and advocacy-driven story na gagampanan nina Ken Chan at Rita Daniela.

 

 

A married couple, as they face the challenges brought about by mental disorder, with Ken playing the roles of Nelson and Tyler, na may Dissociative Identity Disorder (DID) or may split personality.

 

 

Dapat ay mas maaga pa naipalabas ang Ang Dalawang Ikaw pero nahinto ito dahil nag-positive si Ken at ang buo niyang pamilya nang nagsisimula pa lamang ang lock-in taping nila kaya kailangan nilang huminto. Nag-positive din ang leading lady niya na si Rita Daniela.

 

 

Special presentation ang napanood kahapon sa All-Out Sundays at humarap sa public ang ilan pang nag-positive sa Covid-19, sa pangunguna ni Michael V, Boobay, Rhian Ramos at handler nito.

 

 

Ayon pa rin kay Bitoy, pagdating sa Covid-19, pantay-pantay tayong lahat, totoo ang takot na pagdaraanan, pero huwag daw matakot, dahil sa suporta ng pamilya natin at manalig na hindi tayo pababayaan ng Diyos ay malalagpasan natin ito.

 

 

Naglunsad din sila ng campaign para makaipon ng donation para sa mga Covid-19 patients, sa pamamagitan ng GMA Kapuso Foundation, Inc. at ang inyong pagtulong ay tiyak na magagamit para sa mga pasyente nito.

 

 

Mapapanood ang Ang Dalawang Ikaw sa GMA Afternoon Prime after ng Eat Bulaga.

 

***

 

NAGING teary-eyed ang well-loved comedian and award-winning actress Pokwang matapos niyang mag-sign up ng contract sa GMA Network last Friday, June 18.

 

 

Yes, certified Kapuso na si Pokwang at hindi niya ikinaila na nagdesisyon siyang lumipat dahil sa passion niya to showcase her many talents and to grow more in the industry.

 

 

“Gusto kong ituluy-tuloy kung ano pa ang gusto kong gawin bilang artista. Malaki ang pasasalamat ko kasi siyempre, nagbukas ng pintuan sa akin ang GMA.”

 

 

Sa ngayon ay nadagdagan na sina Ai Ai delas Alas at Eugene Domingo sa mga mahuhusay na comedienne ng GMA.

 

 

Gusto silang makasama ni Pokwang, plus ang iba pang mga Kapuso artists like Dingdong Dantes, Marian, Rivera, Alden Richards, Maine Mendoza, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Barbara Forteza, na mga nakilala na niya nang personal.

 

 

Ikinagulat din ni Pokwang na bago pa siya pumirma ng contract sa GMA, nag-guest na siya sa The Boobay And Tekla Show nina Boobay at Tekla, na napanood na kagabi, June 20, sa GMA-7 pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.

 

 

Magsisimula na ring mag-taping ni Pokwang ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento as one of the new cast members na bubuo ng family sitcom na sa simula pa raw lamang ay nagpatawa na nang husto kay Michael V ang mga pasabog ni Pokwang.

 

 

***

 

PANSAMANTALANG hindi muna tuloy ang world premiere ng Legal Wives nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres, mamaya sa GMA Telebabad.

 

 

Papalitan ito ng isang K-Drama na Lie After Lie. A 2020’s surprise hit Korean drama series na magtatampok kina Eunice (Le Yu-ri), Diana (Lee Il-hwa) at Anthony (Yeon Jeong-hun).

 

 

Mapapanood ito at 9:35PM pagkatapos ng Endless Love sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Ilagay na ang NCR sa Alert Level 1 sa Marso

    NAGKASUNDO ang mga alkalde sa buong Metro Manila na i-downgrade na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1 simula sa darating na Marso 1.     Ayon kay Metro Manila Council chairperson at Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ipapadala nila ang rekomendasyon nila sa Inter Agency Task Force (IATF), na siya namang maglalabas nang […]

  • Marcos nanawagan ng ‘unity’ sa 2023

    UMAPELA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga Filipino na magkaisa at maging solido bilang isang bansa sa pagharap sa mga darating na pagsubok ngayong taon. Sa mensahe ni Marcos sa pagsalubong sa Bagong Taon, hangad niya na magpatuloy ang pagtutulungan para makamit ang pangarap na magandang kinabukasan para sa lahat. Sinabi pa ng […]

  • CRISTINE, nanghihinayang na ‘di natanggap ang Best Actress award para sa ‘Untrue’; dadalo na ‘pag may filmfest entry

    NANGHIHINAYANG si Cristine Reyes na hindi na natanggap personal ang Best Actress award which she won for the movie Untrue, na dinirek ni Sigrid Andrea Bernardo.     “Hindi naman kasi ako nag-expect na mananalo so when Viva asked me kung gusto kong pumunta sa festival, I turned them down,” kwento ni Cristine sa presscon […]