• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ken, naka-support lang sa friend at dating ka-loveteam: RITA, umamin at ‘di itinago dahil proud sa magiging baby

DAHIL wala naman kasing nababalitang non-showbiz boyfriend si Rita Daniela at sila ng ka-loveteam na si Ken Chan ang madaling isipin na tila may “something” in real-life, talagang hindi lang siya ang nakatanggap ng mga pagbati ng ‘congratulations,’ maging ang Kapuso actor.

 

 

Umamin na nga kasi si Rita na siya ay buntis at kahit na napangunahan ito ng mga blind-items, sinabi ni Rita na wala naman daw siyang planong itago ang kondisyon at proud daw siya sa kanyang magiging baby.

 

 

So, to set the record straight, yes, hindi po si Ken ang ama ng ipinagbubuntis ni Rita, huh!

 

 

At kahit na broken hearted daw ang heart ng mga RitKen, na-emo (emotional) naman daw sila sa ipinost ni Ken na message of support nito sa ka-loveteam.

 

 

 

Sabi ni Ken na proud daw kay Rita, “To you and your baby,

 

 

 

“Miracles are worth their weight in gold, if not many times more. I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support and love to surround you and your baby.

 

 

“As a friend, as someone who cares, I’ll always be here for you no matter what.

 

 

“You’ve always been incredible and strong and certainly, You.

 

 

“You’ve got this, and without a doubt, you will only continue on to be that much more incredible, always.

 

 

“I am so proud of you @missritadaniela.”

 

 

***

 

 

BONGGA ang actor na si JC Santos na nag-settle na sa kanyang hometown sa Pampanga since the state of pandemic noong taong 2022.

 

 

Pero kahit na sa probinsiya na nakatira, na-tap pa rin siyang ambassador ng BeautéHaus, along with his wife, Shyleena Herrera.

 

 

Formal silang winelcome at pumirma rin ng kontrata with Ms. Rhea Tan, Beautéderm Group of Companies CEO and President bilang mga ambassadors ng BeautéHaus na itinuturing na major beauté hub sa Angeles City, Pampanga.

 

 

Along with JC and Shyleena, formal din na nai-welcome at pinapirma ng kontrata ang mga local ambassadors ng Beautéderm. Mga Kapampangan na successful in their own fields tulad ng mga fashion designers na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio, at Michelle Viray; ang top OB-GYNE ng Central Luzon na si Dr. Rowena Mangubat; ang creative director na si Lance Tan; ang businesswoman na si Isabel Lim; ang marketing executive at lifestyle journalist na si Joanna Ning Cordero; ang Clark International Airport Corporation Vice President for Operations na si IC Calaguas; ang Executive Assistant IV to the Office of the Mayor of Angeles City na si Reina Manuel; at ang event planner na si Voltaire Zalamea – na lahat ay ambassadors ng Beautéderm Group of Companies kung saan bahagi ang clinic at ang Beautéderm at kasama din ang celebrity make-up artist na si Mariah Santos at ang internationally acclaimed fashion designer na si Mak Tumang.

 

 

Inamin naman ni JC na mula nang maging tatay siya, gusto naman daw niyang maibalik ang dati niyang pangangatawan at mag-goodbye na siya sa kanyang ‘Dad bod.” Kaya talagang malaki ang naitulong sa kanya ng Beautéhaus.

 

 

Ayon kay JC, “Gusto kong ibalik ang pangangatawan ko na slim ulit. ‘Yung pasok ulit sa camera, magandang tingnan sa mga shadows at saka, marami pang roles na pwedeng gawin kapag nando’n ka sa stage na ‘yon.”

 

 

At natatawang sabi pa niya, “Maybe at the end of this month, makikita ko na ulit ang mga abs ko at pwede na ulit akong mag-topless.

 

 

“Naging dad bod po kasi.”

 

 

Bongga si JC bilang official celebrity ambassador ng Beautéhaus dahil itinatag ito ni Ms.Rhea noong 2016 at ngayon, ipinagmamalaki na isa meron itong pinakamahuhusay na medical teams sa Northern Luzon na dalubhasa sa larangan ng dermatology at kumpleto din ito sa mga latest top-of-the-line, cutting-edge machines at equipment sa larangan ng aesthetic medicine.

 

 

***

 

 

IBANG level ang ginawa ng female lead ng upcoming Kapuso primetime series na “Start Up” na si Bea Alonzo na lie detector test sa kanyang Youtube account.

 

 

Hindi yung mga parang toy machine lang na lie detector test ang ginamit niya. Instead, nag-imbita siyang talaga ng legit, ang Truth Verifier Systems, Inc.

 

 

Gagawin na raw itong series ni Bea na ang mga kaibigan niyang artista naman ang isasalang niya. Pero bago yun, si Bea muna.

 

 

In fairness, ilan lang sa mga tanong ang lie ang naging resulta ng sagot niya. Isa na rito ang tanong kung tingin niya raw, may good taste siya sa pagpili ng lalaki.

 

Natatawa muna ito at nag-explain na, “Right now, yes.”

 

 

Pero lie ang lumabas na result kaya mega-explain ito na, “Right now, oo! Pero dati kasi—- Ha ha ha!”

 

 

Siyempre, alam naman ng lahat na happy and in-love si Bea sa boyfriend na si Dominic Roque.

 

 

At kaya nga raw niyang walang social media sa loob ng isang Linggo, as long as ang kasama niya ay si Dominic.

 

 

Truth naman ang result ng lie detector test sa sagot niya na ang taong 2019 ang pinaka-difficult time ng buhay niya. At ipinaliwanag pa na, “Sa love department, yes… I guess it’s the most difficult time.”

 

Madali nang mahaluan na ito ang controversial ghosting issue nila ng ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

 

 

Sa isang banda, sinagot at nagpakatotoo rin si Bea na kung ikakasal siya, okay siya na magkaroon sila ng prenup engagement.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Deltacron binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center matapos na ma-detect sa Amerika at Europa

    Binabantayan ngayon ng Philippine Genome Center ang bagong variant ng COVID-19 na Deltacron.     Ito ay matapos na mapaulat na kumpirmadong na-detect ito sa 17 mga pasyente mula sa Amerika at Europa.     Ang Deltacron ay taglay ang magkahalong katangian ng Delta at Omicron variant ng COVID-19.     Sa ngayon ay naghihintay […]

  • ‘Floating employee’ maaring maghanap ng alternatibong trabaho – DOLE

    NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring maghanap ng alternatibong trabaho ang mga manggagawa na nasa “floating status.”   Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez nakasaad sa DOLE’s Department Order (DO) No. 215, Series of 2020 na hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyado kahit nakahanap sila ng alternatibong trabaho habang nasa […]

  • ESTUDYANTE, 2 BUSINESSMAN KULONG SA P251-K SHABU

    KALABOSO ang tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang 18-anyos na estudyante at dalawang businessman matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city.   Ayon kay Malabon police chief Col. Jessie Tamayao, alas-2:15 ng madaling araw nang isagawa ng mga […]