• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kiamco kampeon sa Behrman Memorial 9-Ball

Namayagpag si two-time Asian Games silver medalist Warren Kiamco sa 5th Annual Barry Behr-man Memorial Spring Open 9-Ball na ginanap sa Q Master Billiards sa Virginia, USA.

 

 

Hindi nakaporma sa tikas ng Cebu City pride si Manny Chau ng Peru matapos itarak ang impresibong 11-5 desisyon sa championship round.

 

 

Ito ang unang titulo ni Kiamco sa taong ito at ibinulsa ang $4,500 top purse samantalang naiuwi ni Chau ang $2,300 runner-up purse.

 

 

Nakasiguro ng tiket sa final round si Kiamco makaraang gulantangin si dating world champion Mika Immonen ng Finland sa semifinals sa dikitang iskor na 9-8.

 

 

Sa first round, agad na nagparamdam ng pu-wersa si Kiamco nang ilampaso nito si Tom Czaplicki, 9-2 bago itakas ang pukpukang 9-8 desis-yon kontra kay American Hall of Famer Johnny Archer sa second round.

 

 

Pinataob din ni Kiamco sina Daniel Sardoncillo sa third round (9-3), kababayang si Jeffrey De Luna sa fourth round (9-8) at Reymart Lim sa quarterfinals (9-4).

 

 

Magandang panalo ito para kay Kiamco na nagkasya lamang sa dalawang sunod na runner-up finishes sa One Pocket at 10-Ball events ng Iron CIty Open kamakailan. Ilang torneo pa sa US Circuit ang lalahukan nito.

Other News
  • KYLIE, kailangang magtrabaho para ‘di aasa sa iba lalo na sa estranged husband na si ALJUR na may AJ na

    HINDI raw ikinapapagod ng mag-asawang Mikael Daez at Megan Young ang pagbiyahe from Manila to Subic and vice-versa dahil doon nila napagkasunduan na tumira pagkatapos nilang ikasal noong 2020.     Kahit na under renovation pa ang bahay nila sa Subic, enjoy daw sa long road trip ang dalawa at palitan silang magmaneho kapag pagod […]

  • CHIP THE SQUIRREL POWERS UP IN “DC LEAGUE OF SUPER-PETS”

    HE’S here to electrify this mission.       Diego Luna (Andor, Rogue One: A Star Wars Story) is Chip in Warner Bros. Pictures’ animated action adventure “DC League of Super-Pets.”   Check out the featurette “Meet the Pets – Chip the Squirrel” below and watch the film in cinemas across the Philippines July 27.   YouTube: https://youtu.be/uA-NGHlYv2U […]

  • RIA, muli na namang napasabak sa pagbabalik-‘MMK’ kasama si JAKE, aabangan din sa series na ‘Viral’

    MULI na namang napasabak sa pag-arte si Ria Atayde sa kanyang pagbabalik sa Maalaala Mo Kaya (MMK) after more than two years.     Makakatambal niya si Jake Cuenca at makakasama nila si Malou de Guzman sa natatangi nitong pagganap sa episode ngayong gabi na may titulong “Monster In Law.”     Si Jake ang gaganap […]