• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kiefer ‘di pinayagan ng PBA

Hindi masisilayan si Kiefer Ravena suot ang Shiga Lakestars sa Japan B.League.

 

 

Ito ay matapos magdesisyon ang PBA Board of Governors na huwag pahintulutan si Ravena na makapaglaro sa Japanese league.

 

 

Nais ng PBA na sundin ni Ravena ang nakasaad sa kontrata nito sa NLEX Road Warriors.

 

 

“The PBA board had decided that Kiefer has to honor his contract with NLEX and with the PBA,” ani PBA chairman Ricky Vargas sa isang virtual press conference kahapon.

 

 

Humingi naman ng patawad si PBA commissioner Willie Marcial sa mga fans partikular na sa supporters ni Ravena.

 

 

Kailangan ni Ravena na irespeto ang pinirmahan nitong kontrata sa Road Warriors bago pumasok sa anumang uri ng kontrata sa labas ng PBA.

 

 

“We have a contract to abide by. We apologize,” ani Marcial.

 

 

Nakatakdang sumulat ang PBA sa Japan B.League upang iparating ang desisyon nito tungkol sa isyu ni Ravena.

 

 

Ipaaabot din ng liga ang desisyon nito sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na siyang nakikipag-usap sa FIBA sa mga usapin sa international player transfers.

 

 

Magugunitang inihayag ng Lakestars noong Miyerkules na nakuha nito ang dating Ateneo standout para lumaro sa 2021-2022 season ng Japan B.League.

 

 

Ngunit kasalukuyang nakapirma ng three-year maximum deal si Ravena sa NLEX Road Warriors.

Other News
  • TAMBOBONG INDAKAN FESTIVAL 2024 SA MALABON

    SUOT ang kanilang makukulay at magagarbong costume, nagpasiklabhan sa showdown dance competition ang mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa Malabon at mga kawani ng pamahalaang lungsod kung saan ipipakita nito ang kwento ng kasaysayan at mayabong na kultura ng Malabon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Tambobong Indakan Festival 2024.     Inilunsad ni […]

  • Marvel Is Finally Building To Hulk vs. Wolverine – But There’s A Catch

    Hulk vs Wolverine is a fight many fans have been clamoring for in live-action, which Marvel Studios could provide – only with a specific catch.     After years of anticipation, a Marvel Comics clash of the ages could come to the Marvel Cinematic Universe through Phase 5, albeit with a specific caveat. One of […]

  • Pinas ika-20 bansa na may pinakamaraming kaso ng COVID-19

    PUMASOK sa ika-20 ang Pilipinas sa may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease (COVID- 19) sa buong mundo.   Ayon sa Johns Hopkins University Coronavirus Resource Center, nasa ika-20 ang Pilipinas na may 314, 079.   Sumunod naman sa listahan ang Pakistan na mayroong 312,806 na kaso habang nasa ika-19 na puwesto ang Italy na mayroong […]