• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kiefer gigiya sa Gilas sa tune-up

PAMUMUNUAN  ni Kiefer Ra­vena ang Gilas Pilipinas na sasabak laban sa South Korea sa exhibition games na idaraos sa Hunyo 17 at 18 sa Anyang Gymnasium sa Gyeonggi-do, South Ko­rea.

 

 

Kasama si Ravena sa 12-man lineup na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa friendly matches na mag­sisilbing preparasyon para sa mga international tour­naments na lalahukan ng Gilas Pilipinas.

 

 

Pasok din sa Gilas Pili­pi­nas final 12 sina Dwight Ra­­mos, Carl Tamayo, RJ Abarrientos, SJ Belangel, Geo Chiu, Dave Ildefon­so, naturalized center Angelo Kouame, Lebron Lopez at William Navarro.

 

 

Baguhan sa Gilas quad sian Rhenz Abando at Ke­vin Quiambao.

 

 

Hindi naman napasama sa final lineup sina Ricci Rivero, Thirdy Ravena at Ke­mark Carino.

 

 

Hahawakan ang tropa ni veteran mentor at Gilas assistant Nenad Vucinic.

 

 

Pinaghahandaan ng Gi­las Pilipinas ang pagsabak nito sa third window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers gayundin ang FIBA Asia Cup.

 

 

Sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers, makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang New Zealand sa Hunyo 30 sa Auckland, New Zealand kasunod ang India sa Hulyo 3 sa Manila.

 

 

Lalarga naman ang FI­BA Asia Cup sa Hulyo 12 hanggang 24 sa Jakar­ta, Indonesia kung saan na­sa Group D ang Pilipinas ka­sama rin ang India, New Zea­land at Lebanon.

Other News
  • Drive thru vaccination sa mga tricycle drivers isasagawa sa Maynila

    Itatayo sa susunod na linggo ang isang drive-through vaccination sites para sa mga public utility drivers susunod na linggo.     Sinabi ni Vice President Leni Robredo na prioridad dito ang mga tricycle driver ng lungsod ng Maynila.     Maari rin itong buksan sa mga drivers ng mga transport network vehicle services.     […]

  • Ads September 5, 2023

  • Ads February 15, 2022