KILOS PROTESTA, GINAWA SA HARAPAN NG COMELEC
- Published on May 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa tapat ng Palacio Del Gobernador o tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila.
Sa pinakahuling update ng Manila Police District (MPD) nagsimula ang rally alas 9 ng umaga ngunit natapos din alas 10:33 .
Kabilang sa mga nagprotesta ang grupo ng Urban Poor; Gabriella; Selda; Piston; SCM Philippines; Migrant; Kabataan Party list; Anak Pawis; KMU; Arpak at LFS
Sigaw ng mga nagprotesta, magdasal at bantayan ang Comelec para sa malinis na halalan.
“Dear Comelec ,God is watching us,God is watching you, We are watching you.. Clean , honest, accurate , meaningful, peaceful election 2022,” bahagi ng panawagan ng militanteng grupo
Giit din ng grupo na wala anilang pinagkaiba ang Marcos -Duterte na anila ay mandaraya.
Nais din ng grupo na ilantad ang malawakang dayaan sa eleksyon 2022.
Sinasabi ring hindi naging handa ang Comelec sa eleksyon 2022.
Sa tantya ng pulisya, umabot sa mahigit 400 rallyista ang nangalampag sa Comelec.
Matapos magsagawa ng rally sa Intramuros, tumulak naman sa Liwasang Bonifacio ang mga rallyista upang magsagawa ng maikling programa (GENE ADSUARA )
-
ORDINANSA ng QUEZON CITY TUNGKOL sa PAGSUOT ng FACE SHIELD sa PUBLIC TRANSPORT
Nag viral ang isang kaganapan sa Quezon City ng diumano ay pinaghuhuli ang mga pasahero sa pampasaherong bus dahil wala silang suot na faceshield. Pinababa daw ang mga ito at tinikitan at pinagmulta. Depensa ng mga nanghuli ay may ordinansa ang QC – ordinance number 2965 – “mandating the wearing of face shield in public transport, workplace, […]
-
NAVOTAS NAGBIGAY NG TRABAHO SA INTERNS AT EX-OFWS
BINUKSAN muli ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pinto nito para sa mga kabataang Navoteño na gustong magkaroon ng karanasan sa pagtatrabaho sa gobyerno at mga dating Overseas Filipino Workers (OFWs) na nangangailangan ng alternative livelihood. Nasa 22 beneficiaries ng Navotas Government Apprenticeship Program (NGAP) ang magsisilbi sa pamahalaang lungsod mula July 2 […]
-
7 sasakyan karambola sa NLEX
Nagkabanggaan ang pitong sasakyan sa North Luzon Expressway (NLEX) nitong Linggo ng hapon. Nangyari ang banggaan sa Southbound lane patungong Metro Manila sa Mexico, Pampangan section ng NLEX. Ayon kay NLEX traffic manager Robin Ignacio, nangyari umano ang karambola matapos na prumeno ang isang motorista dahilan para magkabangaan ang nakasunod dito. Isang bus […]