• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KIM, iniyakan na ‘di natuloy sa lock-in taping kasama sina JENNYLYN at XIAN dahil biglang nag-positive sa COVID-19

INIYAKAN ni Kapuso actress Kim Domingo na hindi siya natuloy makasama sa lock-in taping ng bago sana niyang teleserye na Love, Die. Repeat. na unang pagtatambalan nina Jennylyn Mercado at new Kapuso actor na si Xian Lim.

 

 

Ibinahagi ni Kim ang dahilan ng hindi niya pagkatuloy sa kanyang Instagram.

 

 

“Nagpositibo ako sa COVID-19. Hindi ko in-expect na tatamaan ako, pinagtatawanan na nga ako sa sobrang pag-disinfect at pag-iingat na ginagawa ko. Kumpleto ako sa vitamins at fully vaccinated ako. Ito sana ang pagbabalik ko sa TV simula ng magka-pandemic dahil hindi ako tumatanggap ng trabaho sa labas. Work from home lang ako, natatakot kasi ako sa lock-in taping, pero dahil nabakunahan na ako, napanatag ako saka nami-miss ko na ang pag-arte. August 29 ang schedule namin ng quarantine, pero bigla sa di inaasahan, nangyari ito noong August 27. Grabe ang iyak ko nang malaman ko na hindi na ako makakasama sa show.”

 

 

Naisip na lamang ni Kim na baka may ibang plano si Lord sa kanya. Siguro raw nakatulong sa kanya ang bakuna dahil wala na siyang lagnat. Nawala man daw ang panlasa at pang-amoy niya pero nakakakain daw siya ng marami at okey na ang pakiramdam niya.

 

 

Tatapusin daw lamang naman niya ang kanyang home quarantine hanggang sa mag-negative siya sa virus. Nagpasalamat si Kim sa lahat ng nagpadala ng message at pag-alaala sa kanya.

 

 

***

 

 

PAREHONG nagpasalamat sina Kapuso actresses Jasmine Curtis-Smith at Glaiza de Castro sa Gawad Urian sa pagka-nominate nila sa Best Actress category.

 

 

Masaya si Lia ng The World Between Us sa nomination mula sa award-giving body: “Salamat po sa Manunuri ng Pelikulang Pilipino. I am always very honored and grateful to be recognized by your prestigious committee for my roles and to be among the best actresses of this industry.”

 

 

Anytime next week ay papasok na muli sa lock-in taping si Jasmine at ang buong cast ng primetime series nila pagkatapos ng required quarantine sa kanila bago simulan muli ang taping under Dominic Zapata.

 

 

Hindi naman pala in-expect ni Glaiza na mano-nominate siya?

 

 

“Hindi ko po talaga in-expect pero to be acknowledged by Gawad Urian makes me feel like a winner already. Ang huhusay kaya ng mga co-nominees ko!”

 

 

Kasalukuyan napapanood si Glaiza as Maita sa GMA Afternoon Prime na Nagbabagang Luha, from Mondays to Saturdays sa GMA-7 after Eat Bulaga.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • LUIS, tanggap ang unfortunate accident na nakunan ang private part; proud sa movie dahil nakatrabaho si Direk BRILLANTE

    NASA number one slot pa rin ng Top 10 ng Vivamax ang newest erotic-drama movie ni Direk Brillante Mendoza na Palitan na nagsimulang mag-streaming noong December 10, 2021.     For sure, nakadagdag sa mabilis na pagna-number one ng Palitan sa Vivamax ang pinagpipiyestahan sa socmed ang screenshot ng ‘dick slip’ photo ng isa sa bida ng pelikula na […]

  • Akala artista at type maging leading lady: RYAN, nag-sorry nang malamang kung sino si Atty. ANNETTE

    MULING pumirma ng isang exclusive contact si Kapuso First Lady of Primetime Sanya Lopez sa GMA Network last Friday, September 29, attended by the top GMA executives sa pangunguna ni GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon.     Naging emosyonal si Sanya nang magpasalamat siya sa lahat ng mga opportunities na […]

  • Pole vault sensation EJ Obiena mainit na tinanggap ng UST para sa kanyang homecoming

    GINANAP  ang pagtanggap sa world’s number 3 pole vaulter na si EJ Obiena sa University of Sto. Tomas (UST) sa lungsod ng Maynila kung saan mainit siyang sinalubong ng mga opisyal at mga estudyante para sa kanyang homecoming.     Bandang alas-10:05 ng umaga nang makarating si Obiena sa unibersidad kasama ang kanyang girlfriend na […]