• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KIM, JERALD at CANDY, nag-share ng kanilang experiences tungkol sa mahahabang gabi; riot ang muli nilang pagsasama sa movie

SA digital media conference ng Sa Haba Ng Gabi na streaming na sa October 29 sa Vivamax, natanong ang mga bida sina Candy Pangilinan, Jerald Napoles at Kim Molina tungkol sa hardest and longest night na na-experience nila.

 

 

Dahil pareho ang sagot ng magdyowang Kim at Jerald, ang aktres na lang ang nagbigay na pahayag.

 

 

Sabi niya, “’yung everytime na naghihintay ng RTPCR test, dahil hindi ka talaga mapapalagay.

 

 

      “Lalo na noong una, kailangan mong maghintay ng 48 hours, naghihintay kami ng text.”

 

 

Sambit naman ni Je, “parang siyang pageant na naghihintay ka na mapasa sa top 5.”

 

 

Pagsi-share naman ni Candy, “pag RTPCR ang haba ng gabi, totoo po ‘yan.

 

 

“Pero mayroon pang isa na nakakahaba na gabi, sa akin ha? Pag bagong heart-broken ka. Pag tumatakbo na ‘yung dusk o padilim na, nagsisimula ka nang mag-drama, tapos hinihintay mo na sana mag-umaga na, kasi kung anu-ano tumatakbo sa isip mo.

 

 

      “Na-experience ko ‘yun, iba pag heart-broken ka, ang haba talaga ng gabi.

 

 

      “Pero pag okey ka, ang iksi naman ng gabi, parang kulang pa.” 

 

 

Dagdag pa nina Kim at Candy, ang haba rin ng gabi pag naghihintay sila ng call time at sequences sa taping.

 

 

Anyway, sa lahat ng mga nakakatakot na nangyayari sa iba’t-ibang bansa, maaaring maging katapusan na nga ng mundo. At isang direktor ang naisipang gawing cliché ang katapusan ng mundo: isang Zombie Apocalypse.       Produced ito ng Master of Horror na si Erik Matti, ilalabas ng Sa Haba Ng Gabi ang mga patay na muling mabubuhay.

 

 

Ito ay mula sa young director na si Miko Livelo.

 

 

Si Neneng (Candy Pangilinan), na katulong sa isang engrandeng mansyon na pagmamay-ari ng isang senator, ay hinimok ang kanyang pinsan na si Jhemerlyn (Kim Molina) na magtrabaho sa mansyon kasama siya.

 

 

Desperadong makahanap ng trabaho, tinanggap agad ni Jhemerlyn ang alok ng kanyang pinsan. Hindi nagtagal, nadiskubre ni Jhemerlyn na ginagamit ng senador ang mansyon para doon dalhin ang kanyang mga babae. Maayos ang lahat sa mansyon, hanggang sa isang araw na umuwi ang senador na maputla at mukhang may sakit.

 

 

Di nagtagal ay nabalitaan ng mag-pinsan na may virus na kumakalat sa buong probinsya, at ginagawa nitong zombie ang mga tao. At habang nagaganap ang apocalypse, sa mansyon din naisipang magtago ni Noel (Jerald Napoles), ang personal driver ng senator. Simula na ng pinakamahabang gabi sa buhay nila Neneng, Jhemerlyn at Noel.

 

 

Sa loob ng mansyon, manonood sila ng TV, haharot at susubukang mag-survive sa zombie apocalypse. Ngunit malalagpasan ba nila ang gabi nang buhay at nananatiling tao?

 

 

Nagsimula si direk Miko Livelo bilang isang motion graphics artist, at ginawa niya ang kanyang unang pelikula na Blue Bustamante noong 2013. Nakakuha siya ng international recognition nang mag-premiere ang Blue Bustamante sa Osaka Asian Film Festival noong 2014.

 

 

Noong 2019, ginawa ni Miko ang friendship-comedy film na ’Tol, at ang fantasy-comedy adventure film na Unlilife.     Para sa kanyang bagong horror-comedy film na Sa Haba Ng Gabi, nakipagtambal siya sa award-winning filmmaker na si Erik Matti bilang producer, at kinuha niya bilang cast ang sigurado at subok nang chemistry nina Candy, Jerald at Kim, na siguradong magdadagdag ng riot sa zombie apocalypse.

 

 

Siguradong mahahawa kayo sa kakatawa sa panonood ng Sa Haba Ng Gabi mula sa Viva Films at Reality Entertainment, streaming online sa October 29 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

 

 

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • NTF, pupunta ng Basilan, iba pang BARMM areas para bilisan ang vax drive — adviser

    PUPUNTA ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para taasan ang COVID-19 vaccination drive sa rehiyon.     Sa Laging Handa briefing, sinabi ni NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa na inanunsyo ni NTF Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatakda silang bumisita […]

  • Karagdagang P1.4B, kakailanganin para maipagpatuloy ang libreng sakay hanggang sa Disyembre – DOTr

    NASA karagdagang P1.4 billion na pondo ang kakailanganin ng Department of Transportation (DOTr) para maipagpatuloy ang libreng sakay para sa mga mananakay hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre.     Paliwanag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang libreng sakay sa EDSA Carousel ay mayroon lamang fixed budget at kailangan ng kagawaran na makipag-coordinate […]

  • Bukod sa inaabangang pagsasamaa sa sitcom: DINGDONG at MARIAN, nag-collaborate sa isang documentary tungkol sa motherhood

    NATUPAD na rin ang matagal nang request ng fans ng Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mapanood na muling magkasama ang kanilang mga idolo sa isang programa.       Matagal nang working together ang mag-asawa dahil idinidirek ni Dingdong ang mga spiels ng Tadhana, ang OFW documentary hosted by Marian […]