KIM, nagpaalala na huwag munang lumabas sa pagtaas ng COVID-19 cases; netizens may iba’t-ibang reaction
- Published on January 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAALALA naman si Kim Chiu na bawal munang lumabas ng bahay sa panahon ngayon na patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases dahil sa omicron variant.
Post ni Kim sa kanyang IG account, “How’s your first week of 2022???
“For me, some of my friends, loved ones are infected by #omicron. I hope and pray that this will be the beginning of the end. Keep safe everyone #BawalLumabas bahay muna, pahinga from all the parties and vacation that we had.
“Take this time to reflect, reset, eat healthy, exercise, drink your vitamins and plan for the rest of the days of 2022.✨ If you have any of the symptoms please isolate na kaagad para di mahawa yung mga kasama nyo sa bahay. More than anything we really have to be responsible.
“Kaya natin to. take care everyone!”
Reaction naman ng netizens na karamihan ay may mga puna sa kanyang pinost:
“Sila lang naman galing sa vacation. Sila ang labas ng labas.”
“After magkalat ng virus, pahinga daw muna.”
“Kung makapagsalita naman na bawal lumabas as if wala kaming binubuhay na pamilya at sayo pa talaga nagmula Kim na panay labas din?”
“i think ang pinapatamaan ni Kim ay mga katulad ni Gywneth.…”
“Sana mabasa to ni Sofia (Andres).”
“Parang ang off the hinu-hope nya sa sentence nya. Beginning of the ‘end’ para sa mga infected ng virus?”
“duh kung nega ang utak mo nega dating non. pero alam naman natin ano ibig nya sabihin. na shes hoping that the end of the virus is already here. dyeske gawa pa ng intriga.”
“Off talaga kasi yung unang phrase is may mga kakilala sya na infected ng omicron tapos susundan nya ng “the beginning of the end” like girl ano to? Double check din minsan ng sasabihin para hindi masama sa pandinig.”
“Mga tao nga naman. naintindihan naman nila kung anong ibig sabihin ni Kim pero ayan o. andami pa ring gusto lang maging bitter!”
“Read more news sa ibang bansa that is not negative.”
“May i hope and pray na nga. Pilit pa ring iniiba ang meaning kahit sila mismo alam nila kung ano gusto iparating ni Kim.”
“Bakit teh hindi ba masama na nagstart na ang end ng virus? di ba yon gusto natin mahinto na ang pandemic!? gamitan din ng logic pag magbasa ui!”
“The term “beginning of the end“ (of covid pandemic ) has been actually quoted by some scientists in various medical journals. They refer the Omicron.”
“You really think Kim is wishing the end for people? The priest/biologist of OCTA used that term as well, “beginning of the end,” meaning he and other scientists the world over are hoping that omicron is the beginning of the end OF THIS PANDEMIC. Kasi omicron is spreading like wildfire and hopefully will give us the herd immunity that will make covid something like flu na lang—manageable. Kaka stress yung mga super literal mag-isip!”
“Ironic lang na kung sino pa yung mga pala bakasyon at gala sila pa tong may lakas ng loob mangaral!”
“Walk the talk!! Kayo tong labas ng labas para mag bakasyon tapos ngayon bawal lumabas? Buti kung lumalabas kayo mainly for essential reasons.”
“Bawal lumabas? Eh diba nagvacation lang siya over the holidays with Xian?”
“Sa mga nagtatanggol sa caption ni Kim, gets naman namin yung gusto niya iparating pero sana di lang pinagsunod na sentence. Iba dating eh.”
“Ok naman caption ni Kim. Di naman niya sinabi na “THEIR END” so alam natin na di ung mga tao ang sinasabihan niya. Alam naman ng lahat na ang “THE End” na sinasabi niya is end of Covid 19, para bang si you know who. Kung kausap mo mga Native Speaker ng English, gets nila yan at di ka nila laitin or icorrect pa. Dito kasi sa pinas, more puna sa kapwa niya, the more feeling mas matalino siya. Push niyo yan.”
“Tama naman yong sentence construction and if you are being reasonable magegets mo what she really meant. yong iba lang dito feeling perfect! eh sa totoo lang yong mahilig mamuna yon naman palagi ang may mali!”
(ROHN ROMULO)
-
MMDA, IBALIK ang CODING o TULUYAN NANG ALISIN?
Pinagaaralan diumano ng MMDA na ibalik na ang coding sa Metro Manila matapos na isuspinde ito dahil sa pandemya. Kung paniniwalaan ang Presidente na na-solve na raw ang traffic sa EDSA e bakit nga ba ibabalik pa! Ang coding ay bahagi nang ipinatupad ng MMDA na Unified Vehicular Volume Reduction Program. Kamakailan lang ay kinatigan […]
-
Lumayo muna sa sexy image dahil sa bagong serye: SID, masaya na muling makatrabaho sina DENNIS at BEA
ANG linis at ang bangong tingnan ni Sid Lucero ngayon dahil sa role niya as Roald sa ‘Love Before Sunrise.’ Malayo na sa sexy image niya laging nakahubad at balbas-sarado sa mga pelikulang ginawa niya for Vivamax. Ngayon ay parati na siyang ahit at may suot na damit dahil […]
-
PBBM, isiniwalat ang government measures para kontrolin ang presyo ng elektrisidad
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang plano at estratehiya ng gobyerno para patamlayin ang presyo ng kuryente sa gitna ng kasalukuyang mataas na demand ng elektrisidad. Sinabi ni Pangulong Marcos sa isang ambush interview sa Pikit, Cotabato, na walang artificial crisis sa power sector. Ang meron aniya ang bansa […]