• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KIM, pwede na talagang pumalit sa puwesto ni KRIS

“IBA ‘to, nakakatakot ‘to! Sure na, kahit ako nagda-dubbing kami ni direk, ‘sabi ko, direk, sakit na ng heart ko, labas muna tayo!,” pasabog na rebelasyon ni Kim Chui sa ginanap na virtual mediacon ng pelikulang U-Turn na idinirek ni Der- rick Cabrido kumpara sa Ghost Bride at The Healing.

 

“Parang ako, hindi ko kayang panoorin, matatakutin kasi ako, so iba ‘yung dating nitong pelikula, iba.

 

“If napanood mo ‘yung past movies ko, ito na ‘yun, sagad na ‘to. Ito na ‘yung rurok (kakatakutan) hindi ko alam kung may aangat pa ‘to,” kuwento ni Kim.

 

Reporter sa online ang karakter ni Kim sa U-Turn bilang si Donna na para sumikat siya ay may ginawa siyang bagay na sa bandang huli ay apektado ang pamilya at personal niyang buhay.

 

Realidad ang kuwento ng pelikula, “totoo ‘to (kuwento) kasi ‘yung iba, tradisyon kasi ‘yun like The Healing parang manggagamot hindi naman natin normal na nakikita ang mga manggagamot sa road (daan) lalo na sa siyudad, unless pumunta ka ng probinsya.

 

“Yung Ghost Bride, hindi mo rin mami-meet ang ghost bride kung wala kang kakilala.

 

“Unlike itong U-Turn, lagi nating ginagawa like sa work, lagi tayong gumagawa ng mga headline para sumikat tayo. Some journalist or nagra-write up ang headline nila ay (pasabog) siyempre kailangan para basahin. So lagi tayong nakaka-encounter ng may iba fake news, may iba may dagdag news.

 

Nakuwento ni Kim na ang The Healing at Ghost Bride ay hindi niya nakikita o katabi ang mga multo dahil kaharap niya camera kapag umaarte siya. Hiwalay na kuha raw ang mga iyon.

 

“Itong U-Turn, sobrang nakakatakot kasi ngayon lang ako gumawa na kaharap ko mismo ang multo, ganito kalapit kaya nakakatakot talaga,” kuwento ng aktres.

 

Tinawag na Millennial Horror Queen si Kim, “Ate Kris (Aquino) will always be the horror queen, siyempre siya talaga ang nag-iisa at walang makakagalaw no’n. Meron lang kong millennial nadagdag na word.

 

“So, sa ibang barangay ako. Ibang distrito po ako. Pero lahat ‘yun ‘queen’ pero mas malayo na ‘yung siyudad niya sa siyudad ko.”

 

Anyway, mapapanood na ang U-Turn na mula sa Star Cinema at line produce ng Clever Minds Inc sa Oktubre 30 live streaming via KTX.ph, iWant TFC app at website or pay-per-view via Cignal and Sky Cable sa halatang Php150.00.

 

Bukod kina Kim at Tony Labrusca ay kasama rin si JM De Guzman, Miel Espinosa, Jojit Lorenzo, Alex Medina, Jerry O’hara, Simon Ibarra, Mercedes Cabral, Almira Muhlach, Sky Quizon, Via Antonio, Martin del Rosario, Cris Villonco at Cris Villanueva. (Reggee Bonoan)

Other News
  • John Amores ng JRU ay nahaharap sa indefinite suspension pagkatapos ng NCAA rampage

    Si John Amores ng Jose Rizal University (JRU) ay sinampal ng indefinite suspension ng NCAA.   Ibinaba ng NCAA Management Committee ang mabigat na parusa noong Miyerkules matapos ang maingat na pag-uusap ng mga opisyal ng liga.   Sinalakay ni Amores ang bench ng College St. Benilde sa huling quarter ng kanilang laro noong Martes […]

  • Parak tigbak sa cargo truck

    Nasawi ang isang bagitong pulis matapos aksidenteng salpukin ng isang cargo truck ang likuran bahagi ng kanyang motorsiklo sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.       Binawian ng buhay habang ginagamot sa North Caloocan Doctors Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Pat. Kevin Pinlac, 27, nakatalaga sa Northern […]

  • DOH: ‘NCR Plus’ handa nang bumalik sa estado ng GCQ

    Naniniwala ang Department of Health (DOH) na handa na ang mga lugar na sakop ng National Capital Region (NCR) Plus na bumalik sa estado ng general community quarantine (GCQ).     Kasunod ito ng anunsyo ng Malacanang nitong Huwebes ng gabi na isasailalim na sa “GCQ with heightened restriction” ang NCR, Cavite, Laguna, Rizal, at […]