• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinaaliwan ng fans at wish na magsama sa movie: NADINE, dinogshow ang sarili nang maalala ang buhok ni MARICEL

KINAALIWAN nga ng maraming netizens ang tweet ng multi award winning actress na si Nadine Lustre na kung saan naalala niya ang buhok ni Maricel Soriano sa isang pelikula sa isa niyang iconic nang brand photo.

 

 

“I was browsing for Filipino movies tapos nakita ko to… Parang may naalala ako sa hair ni Ms. Maricel,” tweet ng bida ng award-winning na ‘Deleter’ na top-grosser sa MMFF 2022.

 

 

Mabilis namang nahalungkat ng mga fans ang isang endorsement photo ni Nadine para sa isang phone brand. Maraming nakapansin sa buhok ni Diamond Star na pelikulang “The Heiress” na tila inspirasyon ng team ni Nadine sa brand photoshoot.

 

 

Sagot naman ni Marya, “parang nakita ko na din yun, nak. Dun sa may tindahan ng cellphone.”

 

 

Na nasundan pa ng palitan tweets, dahil may ire-reco daw si Maricel na parlor at doon na sila magpagawa ng buhok.

 

 

Dahil nakatutuwang tweet ni Nadine na umani ng sari-saring commens mula sa maraming netizens, tulad nang pagdo-dogshow sa sarili.

 

 

“Bakit naman dinogshow ang sarili?”

 

 

“Pag napapadaan na jeep ko dun sa standee napapapikit na lang ako.”

 

 

“Dinogshow nanaman ang sarili HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAAHHAHAHA ma anuba!”

 

 

“Ang ganda sana ng smile at shot pero yung hair talaga!”

 

 

“Si Ms. Maricel talaga ata peg ng team mo dat time Ms Nadine!”

 

 

“I was thinking about Michael V. when I 1st saw that pic. When I zoomed it, si Maricel pala! As I started reading the comments, I realized that you have that reference pala to your Oppo pic! I couldn’t process what I saw! Hahahaha. Char lang Nadine!”

 

 

“When you can make fun of yourself .. it means you are really secure and unbothered of what others may say. Definitely cool!”

 

taray ni maria, pumapatol na rin sa mga ganitong pareply reply.”

 

 

Kaya marami ang advance mag-isip na magkakasama ang dalawang premyadong aktres, pwede sa drama at horror movie.

 

 

“Feeling ko magkaka work sila soon.”

 

 

“Hahaha dinogshow ang isat isa. Sana makapag work sila together!”

 

 

“i am now super convinced that they are making a movie together. simpleng teaser lang ito. I will bet my hair on it.”

 

 

“Na excite naman ako bigla. I love watching Nadine na! may tiwala ako sa sinabi nya na di sya kukuha ng waang sense na project.”

 

 

“Sana magkasama sila sa movie suspense thriller, drama or comedy. I love Maricel’s movie yung Dahas. Movie soon na.”

(ROHN ROMULO)

 

Other News
  • Pinabo-boycott ang kanyang upcoming concert: JED, na-bash nang husto kaya binura ang pinost sa X

    ISANG malaking isyu sa X ang ginawang pag-delete ng singer na si Jed Madela ng kanyang ipino-post na poster para sa concert niya.   Usap-usapan sa X ang pagbura raw ni Kapamilya singer “Welcome to my World” sa Music Museum, sa darating na Hulyo 5, 2024.   Ang dahilan marahil ay ang ginawang sunod sunod […]

  • Mga minero ng iligal na “escombro”, huli ng BENRO, Marilao Police at 4th Maneuver Platoon

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pinagsanib na pwersa ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO), Marilao Police Station at 4th Maneuver Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company, siyam na iligal ng mga minero ang inaresto matapos silang maaktuhan na nagmimina ng mineral na ‘escombro’ sa Sitio Batia, Brgy. Lambakin, Marilao noong Miyerkules, October 12, […]

  • COVID-19 death toll sa Phl, halos 11K na: DOH

    Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng panibagong 1,590 mula sa nakalipas na taon.     Sa ngayon, mayroong 6.2% o katumbas na 32,775 ang aktibong kaso sa Pilipinas, nasa 91.8% (487,927) na ang gumaling, at 2.07% (10,977) ang namatay.     Mayroon kasing panibagong naitalang 249 na gumaling at 55 naman ang mga […]