• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinagigiliwan na ang kakyutan at kaguwapuhan: MARIAN, confident na pagpapalaki kay SIXTO na tulad ng ginawa kay ZIA

IT’S Sixto Dantes turn to shine, dahil sa bunsong anak naman nina Dingdong Dantes at Marian Rivera nakatutok ang mga netizens.

 

 

Matapos ngang rumatsada ang panganay nilang anak na si Zia Dantes sa mga commercial simula noong baby pa siya, time naman ngayon ni Sixto.

 

 

Early last year, inilabas ang first endorsement ni Baby Sixto para sa Ceelin Plus na kung saan kasama ang buong pamilya Dantes.

 

 

At bago natapos ang 2021, ishinare naman ni Dingdong sa kanyang IG ang photo nila ni Sixto para sa Tender Care commercial, na kilala rin para sa mga baby products.

 

 

At dahil nga nag-three years old na si Sixto, siya ang bagong endorser nang in-endorse din ni Zia few years ago at napapanood na nga ito ngayon na kung saan overloaded ang kakyutan at kaguwapuhan ni Sixto, kaya naman kinagigiliwan ng mga netizens.

 

 

Kasama ng isang short video na naglalaman ng mga photos nila, say ni Marian, “Kung paano ko pinalaki si Zia sa tulong ng NIDO, ganoon din pagdating kay Sixto. Kaya naman ganun din ako ka-confident sa paglaki niya. Ngayong 3 yrs. old na siya, samahan niyo kaming abangan ang mga toddler adventures at explorations niya with #NIDOTotalExpertProtection 💛”

 

 

Next post ni Marian, “Finally it’s out 🤍 My latest tvc with Sixto! Proud of you anak ☺️
“Nido 3+: See what your love and TOTAL EXPERT PROTECTION can help do, with proper diet and exercise.”

 

 

Bukod dito, may pinost din ang mag-asawa, tungkol sa ini-endorse nilang produkto kasama ang dalawang anak, na makakatulong sa mga batang nangangailangan.

 

 

“Araw-araw, walang mintis, binibigyan namin si Zia at Sixto ng Ceelin Plus para siguradong ligtas sila sa banta ng mga sakit. Ngunit hindi lahat ng bata ay nakakakuha ng proteksyong tulad nito,” simula ng caption kasama ang newest photo ng Dantes Squad.

 

“Kaya naman, natutuwa kaming maibahagi sa inyong lahat ang #PangakongProteksyon #ImmunityForAllKids ng Ceelin, in partnership with Caritas Philippines!

 

“For every purchase of participating Ceelin products sa official Unilab store in Shopee, magbabahagi ang Ceelin ng katumbas na produkto para sa mga batang nangangailangan.

 

“Mabibigyan mo na ng doble proteksyon ang anak mo, makakatulong ka pa sa kapwa!

 

“Bili na sa http://bitly.ws/sNhL and siguraduhin nating laging malakas ang resistensya ng bawat bata!”

 

Sa true lang, nag-uumapaw ang suwerte ng magkapatid na Zia at Sixto, dahil ngayon pa lang kumikita na sila sa kanilang mga commercial projects at talagang pinag-aagawan para maging endorsers.

 

Patuloy ding inuulan at pinagkakatiwalaan sina Dingdong at Marian, dahil hindi sila nawawalan ng products na ini-endorse, kaya puwede na nga silang isama sa ‘Most Famous and Influential Showbiz Family’.

 

Wish nga ng mga netizens, sana raw ay magkaroon ng isa o dalawa pang anak sina Dong at Yan, dahil sa true lang, napakaganda talaga ng lahi nila.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mga magwo -walk in sa National Vaccination day, hindi dapat na tanggihan – National Vaccination Operation Center

    HINDI kailangang tanggihan ang mga walk-ins para sa tatlong araw na National Vaccination Day na nakatakda sa November 29, 30 at December 1.   Ito ang inihayag ni Dr Kezia Rosario ng National Vaccination Operation Center lalo’t maituturing na “big day” ang nakatakdang kaganapan na naglalayong lalo pang mapataas ang mga bakunadong Pilipino.   Sinabi […]

  • Ads April 28, 2023

  • FACE SHIELD ORDINANCE ng QUEZON CITY na NAGPAPATAW ng MULTA at PAGKAKULONG – DAPAT MAAMYENDAHAN!

    Noon pa man ay sumulat na ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Quezon City Council para ma-amyendahan ang 0rdinance 2965 o ang Mandatory Wearing of Face Shield Ordinance na ipinasa noong August 24, 2020 at nilagdaan ng Mayor noong September 17 2020. Sa kung sino man ang lalabag, ang karampatang parusa na ipapataw, […]