• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kinakiligan ng netizens ang komento… JERICHO to JANINE: “I am over the moon for you!”

KINAKILIGAN ng netizens ang naging komento ni Jericho Rosales sa IG post ni Janine Gutierrez tungkol sa latest movie na ipalalabas sa Venice Film Festival.

 

 

Ayon sa The 6th EDDYS Best Actress, “Super dream come true – our film, Lav Diaz’s Phantosmia, will premiere at this year’s La Biennale di Venezia. Sooooo grateful and happy and honored to be part of this film!!!

 

 

“Venice has always been a dream and I’m just, again, so grateful to the Lavteam and to everyone else who’s trusted me enough to cast me in their films and series.”

 

 

Pagpapatuloy pa ni Janine, “All I’ve ever wanted is to make good projects and I’m just so thankful that all the work has led me here, part of another story that showcases our Filipino filmmaking to the world. Thank you thank you thank you.”

 

 

Makikita sa post ang black and white still photo at iba pang inpormasyon sa pagpapalabas ng pelikulang dinirek ni Lav Diaz.

 

 

At ang naging comment ni Jericho ay, “I am over the moon for you! Ihanda na ang bangka at sagwan!

 

 

“Congratulations!!! Mabuhay kayo at ang Lavteam!”

 

 

Three red heart emoji naman ang sagot ng aktres, na kinakiligan nga ng netizens.

 

 

Ilan sa komentong nabasa namin…

 

 

“@jerichorosalesofficial hoping samahan si Janine sa Venice hehe.”

 

 

“@janinegutierrez kinikilig aq sa inyo ni Echo.”

 

 

“Ayyy, may papuso. Ok lang sa amin basta happy ka, happy rin kami for you. Yun ang gusto namin na lagi kang happy.”

 

 

“Sana all, bagay kayo kau idol. Ligawan mo na, single naman c Janine. Parehas kau single.”

 

 

Naku, may katotohanan kaya na may nabubuo na raw na magandang relasyon sa dalawa?

 

 

Anyway, maraming mga artistang bumati kay Janine at isa na rito si Ms. Charo Santos-Concio at comment pa niya, “Savor the moment!”

 

 

Congrats and goodluck Janine!

 

 

***

 

 

NGAYONG hapon (Hulyo 29), mapapanood na on-air at online ang first digital documentary program mula sa award-winning group ng GMA Public Affairs – ang “Kara Docs,” kasama ang beterano at premyadong dokumentarista na si Kara David.

 

 

Bibigyang-mukha ng “Kara Docs” ang mga makabuluhang istatistika ukol sa mga isyung panlipunan sa pamamagitan ng mismong pakikisalamuha ni Kara sa mga tao at komunidad na sangkot sa usapin.

 

 

Ito ay koleksyon ng mga maiikling dokumentaryo, na naglalayong magbigay-liwanag sa mga napapanahong isyu ngayon. Ipapasilip ang ilang tagpo dito sa Unang Hirit habang ang buong episode nito ay ia-upload sa YouTube channel ng GMA Public Affairs sa ganap na ika-5 p.m.

 

 

Kilala si Kara sa kanyang mga dokumentaryong nakakaapekto at nakapagpapabago ng buhay. Para sa unang pagtatanghal ng “Kara Docs”, magtutungo si Kara sa Sitio Iligan kung saan ang mga residente rito, wala pa ring kuryente.

 

 

Sa kabila ng makabagong teknolohiya, may ilang lugar pa rin sa bansa na kailangan pang maglakad sa mabato at maputik na bundok at sumakay ng bangka para lang makapag-charge ng kanilang mga cellphone.

 

 

Si July na isang katutubong Dumagat ang madalas maatasang mangolekta ng mga cellphone sa kanilang komunidad sa Sitio Iligan para maki-charge sa ibaba ng bundok.

 

 

Kahit maputik ang daan pababa at kakailanganin pang sumakay ng bangka at motorsiklo, sinisikap ni July na magampanan ang kanyang tungkulin sa kanilang sitio. Nakiki-charge sila sa isang bahay sa kabilang barangay na ang kuryente ay binabayaran ng gobyerno.

 

 

Ang bagong panganak namang si Anne, hindi rin hinahayaang ma-lowbatt ang kanyang cellphone at powerbank. Ito raw kasi ang nagsisilbi niyang ilaw sa mga gabing siya ay nagbabantay sa kanyang anak. Nakaabang din siya sa mahahagip na signal at sa tawag ng kanyang asawang nagtatrabaho sa malayong lugar.

 

 

Bakit nga ba wala pa ring kuryente sa Sitio Iligan?

 

 

Iyan ang tatalakayin ni Kara David sa “Sitio Lowbatt,” ang unang pagtatanghal ng “Kara Docs”.

 

 

Mapapanood ang ilang tagpo nito sa “Unang Hirit” habang ang full episode nito ay mapapanood sa hapon, 5PM, sa GMA Public Affairs Youtube Channel (https://www.youtube.com/gmapublicaffairs).

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Paniniwala ni Sec. Concepcion, puwede nang hindi magpatupad ng Alert Level system pagdating ng Marso o Abril

    NANINIWALA si Presidential Adviser on Entrepenurship Joey Concepcion na makakaya na ng gobyerno na hindi na magpatupad pa ng alert level system pagsapit ng Marso o Abril.     Sinabi ni Concepcion na nasanay na kasi aniya ang mga tao sa mga ipinatutupad na health safety protocol sa nakalipas na 22 buwan.     Sa […]

  • Na-diagnose noong 2016 na may Alzheimer’s disease: Legendary crooner na si TONY BENNETT, pumanaw na sa edad na 96

    BIBIDA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa month-long special ng #MPK o Magpakailanman.       Si Alden ang unang aktor na mabigyan ng four episodes ng MPK sa buong buwan ng August.     Unang episode ay “A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story” na mapapanood sa August 5. Tungkol sa runner […]

  • Franklin pumukol ng pitong tres kontra Dyip

    IBINUHOS ni Jamaal Franklin ang pitong tres tungo sa pagtatala ng kabuuang 42 puntos na nagbitbit sa Converge FiberXers sa ikalawang sunod na panalo sa pagpapalasap ng 130-115 kabiguan kontra Terrafirma Dyip sa PBA Governors Cup kagabi sa PhilSports Arena sa Pasig.   Nagdagdag pa si Franklin ng 11 rebounds, 8 assists, 1 steal at […]