KINASUHAN NA
- Published on February 18, 2020
- by @peoplesbalita
INIHARAP ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang limang suspek, kabilang ang 4 na menor de edad na nag “trip” sa isang balloon vendor na kumalat sa social media.
Ang menor de edad ay sinamahan ng kanilang mga magulang na nagtungo sa Manila City Hall gayundin si Dranreb Colon, 18, ng 1464 Ilang-ilang St., Pandacan, Maynila makaraang manawagan ni Domagoso sa mga suspek na sumuko na lamang ang mga ito.
Ang suspek naman na si Ivan Matimatico, 19, ng 1366 Interior Burgos St., Paco, Maynila ay nakatakdang isuko ng kanyang ama habang pinaghahanap pa ang isang suspek na kinilala lamang sa alyas Axel.
Ang mga nasabing suspek ay mga miyembro ng “True Life Gangsta” na pawang may mga marka ng paso sa kanilang kanang kamay.
Ang dalawang suspek na nasa wastong gulang ay nahaharap sa kasong RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act at Article 155 Revised Penal Code Alarms and Scandal.
Habang ang mga menor de edad naman na mapapatunayang may sala ay isasailalim sa kustodiya ng Manila Youth Recreational Center (MYRC) ng Manila Social Welfare and Development.
Nanawagan naman ang alkalde sa mga netizens partikular na ang mga nagbabanta sa mga inarestong mga kabataan na huwag nilang ilagay sa kanilang mga kamay ang hustisya na dapat makamit ng balloon vendor na si Oliver.
“Ang mali ay hindi maita-tama ng isa pang pag-kakamali.” ani Domagoso.
Ayon kay Mayor Isko, magsilbi sanang aral ang insidente sa mga kabataan na maging mas responsible sa mga kilos. “‘Yang joke, joke, joke niyo, maaari pala tayong makapaminsala.”
Pinaalalahanan din ni Domagoso ang mga kabataan na wala umanong idudulot na maganda sa kanilang buhay ang pagsali sa ‘gang’ sa halip ay maaari pa silang mapahamak dito.
Nabatid na nagkaroon ng kasunduan na magbibigay ang mga suspek ng kontribusyon para sa pagpapagamot ng biktima na halagang P5,000 bawat isa sa kanila ngunit nasa P2,500 pa lamang kada isa sa kanila ang nakakapagbayad.
Matatandaan na nito lamang nakaraang Pebrero 12 dakong alas-4:00 ng hapon sa Brgy. 842 sa Pandacan ay napagtripan ng mga suspek na sindihan at silaban ang mga itinitindang lobo ng vendor na kinilalang si Oliver Rosales na nagresulta ng pag-kakasunog ng mga lobo na kanyang itinitinda at pagkakalapnos ng ilang bahagi ng kanyang katawan. Ang tindero ay nananatiling nasa ospital. Ang naturang pangyayari ay naging viral sa social media. (Gene Adsuara)
-
P5.1M HALAGA NG SHABU, NASABAT NG BOC
TINATAYANG nasa P5.1 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride na karaniwang kilala sa tawag na “Shabu” ang nasabat, habang dalawang claimant ang nasakote matapos ang matagumpay na anti-drug interdiction operation na pinagsama-samang isinagawa ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa Central Mail Exchange Center noong […]
-
PANGANGAMPANYA, PARA LIMITAHAN ANG PANGANIB SA COVID
GUMAWA ng mga paghihigpit ang Comelec sa personal na pangangampanya upang limitahan ang panganib ng mga impeksyon sa COVID-19 sa panahon ng 2022 campaign period. “Sa tamang panahon at sa tamang sirkumstansya, nakakakita tayo ng mga sitwasyon kung saan tama at kinakailangan na medyo pigilan ang mga iba’t ibang activities,” ayon kay Commission […]
-
576,352 kabuuang bilang ng virus
Mula sa 2,921 kahapon, bahagyang bumaba sa 2,113 ngayong araw ng Linggo ang bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID) sa bansa. Sa tala ng Department of Health (DOH) kaninang alas-4:00 ng hapon, umakyat na sa kabuuang 576,352 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas. Ang nasabing oras ay halos kasabay […]