Kinumpirma ng PSA na walang nakarehistrong pangalang ‘Mary Grace Piattos’
- Published on December 4, 2024
- by @peoplesbalita
“IMBENTO LANG PALA,” reaksyon ito ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun matapos kumpirmahin ng Philippine Statistics Authority (PSA) na walang “Mary Grace Piattos” na nakarehistro sa kanila.
Tugon ito ng PSA sa pagtatanong ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng House Blue Ribbon Committee.
“Kaya pala walang nag-claim ng P1 million reward kasi peke talaga.
Nakakabahala na umabot tayo sa ganitong level ng kasinungalingan. Sa mga opisyal ng gobyerno na dapat nagbibigay ng tamang impormasyon, imbento lang pala ang Mary Grace Piattos,” dagdag ni Khonghun.
Ang sagot ng PSA ay “negative” sa alinmang paghahanap o search para kay Mary Grace Piattos sa Civil Registry System (CRS) database sa Certificate of Live Birth (COLB), Certificate of Marriage (COM) at Certificate of Death (COD).
“However, if additional information such as the name of parents of the subject, date and place of the vital event can be provided, we can search further and be able to ascertain whether the civil registry document is available in the database,” saad pa ng PSA.
Ang naturang findings ay lalong nagpalaki sa kuwestiyon sa mga alegasyon ng kuwestiyonableng disbursements at irregularities sa paggamit ng OVP at Department of Education confidential fund noong panahon ni VP Sara Duterte bilang kalihim.
“Hindi lang ito simple na isyu ng pangalan; pinagmumulan ito ng mas malalim na problema sa transparency at accountability. Kung kaya nilang mag-imbento ng ganito, ano pa kaya ang mga nakatagong transaksyon?” aniya.
Umapela pa ito sa Kamara na palawigin at laliman pa ang pagbusisi sa OVP, sa ngalan ng transparency.
“This is not just about one name. It’s about integrity in public service. Congress has a duty to protect the people’s money. Dapat magkaroon ng mas mahigpit na proseso para hindi na maulit ang ganitong klaseng anomalya,” pagtatapos nito. (Vina de Guzman)
-
DAVID, handang sumubok sa sexy movies at willing ipakita ang lahat para walang mabitin
DAHIL nauuso na naman ang mga sexy movies, handa raw ang Kapuso hunk na si David Licauco na subukan ito. May malaking advantage si David dahil maraming netizen na parating inaabangan ang mga sexy pictorial niya for Bench Body. Kung sakaling gumawa ng sexy movie ito, tiyak na maraming beki ang manonood nito, […]
-
Christmas convoy, magpapatuloy sa PH-occupied areas sa WPS
TULOY ang “Christmas Convoy” na inorganisa ng civilian organization para sa mga mangingisda at frontliners sa West Philippine Sea (WPS). Iyon nga lamang kailangang sundin ng mga lider ng organisasyon ang posisyon ng gobyerno na hindi sila pupunta sa BRP Sierra Madre (LS-57) sa Ayungin Shoal sa WPS dahil sa security reasons. […]
-
Sara susuporta, magiging tapat na VP kay BBM
NANGAKO kahapon si Lakas–CMD vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na magiging tapat at susuportahan ang kaniyang presidential tandem na si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sakaling mapagwagian nilang pareho ang May 9 national polls. “Of course, I will be a supportive and […]